Untitled document CHAPTER 44 MR BELFORT POV Mainit. Mabigat ang ulo ko. Parang umiikot ang paligid habang pinipilit kong bumangon mula sa kama. Napahawak ako sa sentido ko habang unti-unting bumalik sa alaala ang nangyari kagabi — ang alak, ang tawanan namin ni Marco at Vino… at ang huling bahagi bago tuluyang bumagsak ang katawan ko sa kama. “Hazel…” mahinang bulong ko. Parang may memorya akong nakita siya. Pero totoo ba ‘yon? O panaginip lang? Dahan-dahan akong bumaling sa bedside table — at doon, nakita ko ang mangkok ng sopas na medyo malamig na at ang isang maliit na papel. Kinuha ko ito at binasa "Iniwan ko ang sabaw dito. Higupin mo to makakatulong para mawala ang sakit nang ulo mo pati na rin ang gamot—Hazel.” Napanganga ako ng bahagya habang binabasa ang sulat. Tila may ku

