CHAPTER 71 HAZEL POV Matapos kumain, dahan-dahan akong tumayo mula sa hapag. Nais ko sanang mag-alok na tumulong sa pagligpit ng pinagkainan, ngunit agad nila akong pinigilan. “Señorita Hazel, magpahinga na po kayo. Kami na po ang bahala dito,” mahinahon pero mariing sabi ng isa sa mga kasambahay. Kahit gusto ko talagang mag-abot ng kamay, alam kong ayaw nila akong maabala. Kaya’t wala na lang akong nagawa kundi maglakad papunta sa sala. Umupo ako sa malambot na sofa at kinuha ang remote control. Pinili ko ang isang palabas sa Netflix, ngunit sa totoo lang, hindi ko iyon pinapanood. Ang mga mata ko ay nakatutok sa screen, ngunit ang isipan ko ay lumilipad sa malayo… patungo sa mga batang matagal ko nang iniisip. Ang mga anak ng kakambal ko. Kamusta na kaya sila? Kumakain ba sila ng

