Chapter 10 :Confined
I WOKE up one morning again, this time alam kong nasa hospital room na ako. May dextrose sa kamay ko.
Maingat na bumangon ako at sumandal sa headboard ng hospital bed. Napatingin ako sa paa ko na parehong naka-benda. Nagsalubong ang kilay ko, ramdam ko rin ang paghapdi no'n na tila may sugat ako. Sa pagkakaalala ko ay dapat isa lang, marahil nagalusan ang isa kong talampakan dahil sa paghabol ko sa lalaking stalker na iyon. At napaano naman kaya ang isang 'to?
Paanong nangyaring nasa hospital na rin ako? Gayong sa pagkakaalala ko ay nasa bahay lang ako. Ah...iniwan pala ako ng asawa ko kahapon noong magbe-breakfast pa lamang ako.
Umalis siya dahil may emergency raw, hindi ko alam kung anong klaseng emergency 'yon. Umiyak pa ako habang nakasubsob sa table.
Hinawakan ko ang IV ko and I was about the remove this when someone's entered inside my hospital room. Natigilan ako nang makita ang walang emosyon ng mukha ng asawa ko.
"What are you doing, Xena? Are you trying to escape again, ha?" tanong niya sa akin at naglakad palapit sa akin.
Tinanggal niya ang kamay ko at ibinaba sa kama ang isa. Saka niya ako maingat na hiniga ulit.
"You need to rest. Are you hungry?" he asked again.
"I'm not hungry," anas ko at sinabayan pa nang pag-iling.
Napakislot ang puso ko nang umupo siya sa gilid ng kama na nasa tabi ko lang din. Hinaplos niya ang pisngi ko at mas lumalim ang gatla sa noo ko.
"Ah? That's it? You didn't finish your breakfast yesterday morning, then you escaped your lunch and dinner, too. Tapos sasabihin mo sa akin na hindi ka gutom?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin at hindi na ako nakasagot pa. Para siyang tatay na pinapagalitan ako na anak niya.
Totoong hindi ako nakakaramdam ng gutom. Weird right? But that's the truth.
"Stay here, bibili lang ako ng pagkain mo and please, don't ever remove that things and don't escape again, this time," usal niya na may pagbabanta pa. Napa-kamot na lamang ako sa kilay ko at para akong batang tumango.
"Good girl," anas pa niya.
Nakasunod lamang ang mga mata ko kay Kierson nang lumabas na siya at napabuntong-hininga na lamang ako.
Parang sasabog ang puso ko kanina dahil sa pagbilis nang t***k nito. Nagkakagulo ang sistema ko sa tuwing nasa malapit lang siya. At tila may paru-paro ang nagliliparan sa loob ng tiyan ko.
Bumukas ulit ang pintuan at ang akala ko ay bumalik ang asawa ko pero ang mukha ni Lay ang bumungad sa akin.
"Hi, Xena. I bought a foods here," nakangiting saad niya at napangiti rin ako.
He stepped towards my direction. Hinila pa niya ang isang chair palapit sa bed ko at doon siya umupo.
Binigay niya sa akin ang plastic plate and spoon.
"Thank you, Lay," anas ko at sinundot ko pa ang pisngi niya dahilan na lumabas ang dimple niya sa kanang pisngi niya.
"Don't mention it, Xena."
Kumain lang ako nang kumain, parang kanina lang ang sabi ko ay hindi ako gutom pero nang makakita na ako ng foods ay para akong PG nito.
Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan at hindi ko na iyon pinansin. Kain lang ako nang kain hanggang sa marinig ko ulit ang malakas na pagsara ng pintuan. Doon na ako natauhan.
Hindi mapinta ang mukha ng asawa ko ngayon at nagtatagis din ang bagang niya. May dala-dala siyang paper bag at mahigpit ang pagkakapit niya no'n. Kitang-kita ko rin ang mga ugat niya sa braso. Naka-roll kasi sa siko niya ang white long sleeve niya at naka-black pans lang siya pababa.
Biglang bumigat ang atmosphere sa loob dahil sa malamig na aura ni Kierson. Hindi na ako masabuo ng pagkain dahil masama ang tingin sa akin ng asawa ko.
"What did I do?" usal ko sa mahinang boses.
"Drink this, hon," usal ni Lay at binigay sa akin ang orange juice na mabilis kong kinuha at uminom no'n. May straw pa ito.
Napatitig ako kay Lay na may ngisi sa labi. Nang-iinis na naman ang isang ito. Nagawa pa niyang haplusin ang pisngi ko. Nakarinig kami nang pagkabasag ng kung anong bagay at pareho kaming napatingin sa side ni Kierson.
Nasa sahig na ang paper bag na kanina lang ay hawak-hawak niya at mabilis na pinulot niya iyon saka niya pabagsak na tinapon sa trash bin at walang sabi-sabing lumabas.
Naiwan akong natulala sa ginawa niya.
"What was that?" iyon na lamang ang naitanong ko at narinig ko ang pagtawa ni Lay. Mahinang-mahinalang iyon. Na tila ayaw niyang may makarinig sa kanya pero napapalakas din ito. Nairita ako sa boses niya.
"What's so funny, Lay?" bored na tanong ko sa kanya.
"I need to get out of here, Xena. Or else, hindi na ako makakaalis pa rito ng buhay. The way he looked at me, tila hinuhukayan na ako nang libingan. Magpagaling ka, alright? You need to be strong, Xena," aniya at hinalikan pa ako sa noo bago siya umalis.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay pumasok na ulit si Kierson may kasama na siyang doctor. Babae.
"Hi, I'm your doctor in-charge. I'm Dra. Evenna Baudelaire, just call me Dra. Even," pagpapakilala sa akin ng magandang doctor.
"I'm Xena," maikling sambit ko naman sa pangalan ko at saka ko siya nginitian.
"I love your eyes, by the way," ani pa niya at napatango na lamang ako. Wala akong suot-suot na sunglasses pero okay lang kung makita niya. Exempted ang magandang doctora. Hindi ako tibo, ha? Baka isipin niyo.
Lumapit sa akin ang doctora habang nakasandal naman sa nakasaradong pintuan ang asawa ko at nakasuksok ang dalawang kamay niya sa pocket ng pans niya.
"You have wounds here," aniya at tinuro pa ang naka-benda kong talampakan. "Ms. Xena--"
"Misis, she's a married woman, now. Call her Mrs. Mojeh," mariin na sambit ni Kierson sa doctora.
"I can't see her wedding ring. So, it means wala pa siyang asawa. And are you sure na asawa mo ang pasyente ko, Kier?" may pangungutyang tanong nito kay Kierson at nagtatagis ang bagang niya dahil doon.
"Kung aariin mo ang isang tao, make sure na may mark ka na sa kanya. Like a ring or something na magpapatunay na pagmamay-ari mo nga talaga siya. So, that mens awared na this woman is off limits," pangangaral nito sa kanya at pinasadahan ng mahaba niyang daliri ang buhok niya.
"Stop it, Even. Kaya hindi ka pinapansin ni Taki dahil mapambara ka," inis na wika nito na tinawanan lang siya ng doctora.
Mukhang magkakilala sila. Magkaibigan kaya? Kasi hindi takot ang babae sa mukha ni Kierson na tila mangangain ng tao, eh.
"Do you remember what happen to you, yesterday?" the beautiful doctor asked me.
"No wonder if I did something wrong, doctora. I can't remember anything if I am sick at that moment," I replied and the way I said those words parang ang cool lang. Parang sanay na ako na which is totoo naman.
"I see. Marami na akong na-encounter na patient ko na ganyan. Mataas ang lagnat mo kagabi and that wound, nakuha mo raw 'yan noong may hinahabol ka. Namamaga siya. At ang isa ay may naapakan kang basag na baso. Masyado itong malalim kung kaya't marami ring dugo ang nawala. And I think okay ka na ngayon, just don't forget to drink your medicine. Ask your boyfriend na bantaya--"
"I'm her husband, Even and that's my responsibility. I can handle my wife, alone," malamig na wika nito pero nagkibit-balikat lang ang doctora. Walang pakialam sa kanya.
Napangiti ako sa naisip ko. Why not hindi sabayan ang kalok*han nito na alam kong ginagalit din niya si Kierson.
"I ask Lay, then," anas ko na mabilis na hindi sinang-ayunan ng isa.
"What for? I am still here. I can take care of you, wife."
Doon na napatawa nang malakas ang doctora at napapailing na tiningnan ang asawa ko na halatang iritado talaga ito sa mga pinagsasabi namin.
"I just ask Lay, I know you are busy person. Aalagaan naman ako ni Lay," sambit ko at pinukulan niya ako ng masamang tingin.
"Do you think I let your ugly boyfriend to take care of you? Nah, daraan na muna siya sa bangkay ko bago ka niya makuha mula sa akin," umiigting ang pangang sabi niya at humakbang ito palapit sa akin.
Tinanggal ang dextrose sa kamay ko. "It's better to take you in our home."
"And I have bad news, guys," singit ni Dra. Even at malungkot na tiningnan kami.
Napahinto ang asawa ko pero nagawa na niyang tanggalin ang dextrose ko. Salubong na naman ang kilay niya nang tingnan ang doctora.
"What is it, Even?"
"I feel sorry, but Xena can't bare a child. I have her medical certificates including her body scan. Alam ko na hindi ko na dapat inalam pa ang body health niya years ago but I can't help it. Years ago may kidney transplant ka at naapektuhan nito ang matris mo, Mrs. Xena. Isa pa ang mga iba't-ibang gamot na iniinum mo," pagpapaliwanag niya.
How come na nakuha niya ang information na iyon, tungkol sa akin?
Parang gumuho ang mundo ko dahil sa narinig. Napaka-straight forward niya at wala man lang pause dahil sunud-sunod ang pagbigkas niya ng mga katagang iyon.
Pinangarap ko ang magkaroon ng anak na si Kierson ang magiging ama nito pero ngayon lang. Tila nabigo ako. Hindi na matutupad ang pangarap ko.
Hindi ko na nga makukuha ang puso ng asawa ko at pagkakaitan pa ako ng anak mula sa lalaking mahal na mahal ko?
Malas ba ako?
"I DON'T care, I don't need a child." Nagulat ako sa sinagot ni Kierson.
Parang may kung anong bagay na naman ang bumaon sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ayaw niya ng bata, meaning no'n ay ayaw niya na magkaroon ng anak sa akin. Ayaw niya na ako ang ina ng magiging anak niya. Para akong pinapatay sa ideyang Lyon.
Maingat na binuhat ako ng asawa ko at sinubsob ko na lamang ang mukha ko sa dibdib niya. "Aalis na kami. Thank you, Even."
"Alright, take care," dinig kong saad nito.
Buhat-buhat lang ako ni Kierson at nakapikit lang ang mga mata ko. "Ang akala ko ba hindi ka gutom? Bakit noong dinalhan ka ng pagkain ng pangit mong boy--lalaki na iyon ay parang gutom na gutom ka?" he asked me with his annoying voice.
"He's not pangit," depensa ko para sa kaibigan ko.
Guwapo si Lay, wala kang mahahanap na puwede mong ngutyain sa kanya. He's handsome.
"Huwag mong kampihan ang pangit na iyon at bakit hindi 'yon ang pinakasalan mo?!" tanong niya sa akin, alam kong pagalit ang pagkakasabi niya pero mahina at kalmado lang ang boses niya.
"Gusto mong pakasalan ko na siya ngayon?" balik na tanong ko sa kanya.
"At bakit mo naman iyon pakakasalan?!"
"Dahil sinabi mo?"
"At bakit hindi ang first love mo ang pakasalan mo?" Natigilan siya sa sinabi ko at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Ni hindi ko na rin maalala ang pangalan niya."
Doon naman ako nagmulat ng mga mata. Hindi kaya...
"I met her two years ago," sabi pa niya at bumagsak ang balikat ko. Akala ko pa naman.
"Basta M ang first letter ng pangalan niya and I am still searching for her," sambit pa niya.
"Wanna help?" hindi ko alam kung bakit iyon ang tinanong ko sa kanya. Sana huwag siyang kumagat! Huwag kang sumang-ayon, please!
Nagsisi na ako na sinabi ko pa iyon! Isang pitik lang ng daliri ni Lay ay mahahanap na niya ang babaeng iyon. Nagawa nga niyang mahanap ang whereabouts ng pinsan ko ang kaso hindi siya maka-access sa mga iyon.
"No need," sagot niya. I felt relief. Thanks God.
"Pero gusto ko, sa kanya ako magkakaanak. You can't bare my child, so bakit pipilitin ko na magka-anak sa 'yo?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at napatulala na naman. Parang sinusunog na naman ang puso ko. Nadudurog na naman na gamit lang ang salita niya.
Parang kanina lang ay umaakto siyang nagseselos pero sa tuwing kami na lang dalawa ay lumalabas ang pagiging j*rk niya. Ang manhid naman niya. Wala siyang pakialam kung ano ang puwede kong maramdaman kapag sinabi niya iyon sa akin.
"Iyon ay kung sang-ayon ka. I can even feel
na gusto mo ang relasyon na ito. At kung malalaman ito ng mama ko ay itatakwil ka niya bilang daughter-in-law niya. Wala sa pamilya namin ang baog. Kung nais mo pang maging Mojeh ay ilihim mo lahat ang mga sinabi ko sa 'yo. Hahanapin ko ang babaeng nagpapatibok ng puso ko at sa siya ang magdadala ng anak ko."
"Paano kung hindi mo na siya mahanap?" tanong ko.
"Ikaw na ang humanap ng babaeng puwede kong anakan," tila balewala na saad niya.
Ang dali-daling sabihin para sa kanya ang mga iyon. Mas lalo lang akong nasasaktan. Ang manhid niya, ang manhid-manhid.
Maingat na pinasakay niya ako sa kotse niya. Hindi na ako umiimik dahil baka maiyak pa ako.
"Sana hindi na lang kita iniwan kahapon, so that hindi ito mangyayari sa 'yo. Pero okay lang din naman dahil nalaman natin pareho na hindi ka magkakaanak."