Chapter 35 : Fear Past... "KIERSON, b-buntis ako," mahinang saad ni Maria at bigla akong namutla. Ano'ng ibig niyang sabihin na buntis siya? Sh-t! At bakit niya sinasabi 'to sa akin? Dapat ay hindi ako pinagsasabihan niya nito. "P-Paano ka nabuntis? Paanong nangyari--" "Ikaw ang ama, Kierson. Ikaw ang ama ng anak ko," aniya at nag-uunahan na ang mga luha niya sa pagpatak. Para akong tinakasan ng kaluluwa sa sinabi niya. Ano'ng pinagsasabi niya?! "F*ck, no! Ni hindi nga kita nagalaw, eh! Paanong nangyari na nabuntis kita? H-Hindi ako ang ama niyan!" sigaw ko at umatras pero lumalakas lang ang iyak niya. Malalim na ang gabi at sa mga oras na ito ay natutulog na ang asawa ko. Lumabas lang ako mula sa kuwarto namin nang marinig ko ang iyak ni Kienna at nakita kong naroon na siya. "I

