Ymara Pov:
Nakakainis na lagi walang oras si Ezequel at lagi narin akong nagakakasakit. Bakit wala na syang gana. Para susuko na ako sa relasyong ito. Gusto ko ng makipaghiwalay at subrang toxic naman na ang aming relasyon. Habang nakaupo umiinom ng kape sa umaga tinitext nya ito. "Hi mahal subrang miss na kita, Busy ka parin ba?". "Oo mahal eh, pasensya kana ah 24 hours duty ko pag uwi ko katulog agad eh." Naguguluhan na ako minsan malambing kausap minsan walang gana, busy galit alor nagmamadali. Pero sa tuwing tinitiis nya aki yung lungkot sa bawat araw na nagdaan, yung bawat pag iyak bawat pag iisip subrang sakit naiipon na. Pero bakit ko ba pinapahirapan sarili ko, may maasahan paba ako don. Aasa pa ba ako or hahayaan ko nalang din katulad ng hinahayaan nya ako. Kaso mahal ko masyado eh kaya di ko matiis.
Bat bigla akong nahihilo na naman at nasusuka. Hala! parang wala pa dalaw ko ah macgeck nga. Oo nga limang araw ng delay regla ko. Baka delay lang kakain ko ng maasim. Anong konek pala ng maasim sa regla totoo ba yun hahahaha. Bigla naisip ni Ymara baka makapagpawala ng pagsusuka nya mangga at bakit sa lahat mangga pa. Timing at mamalengke palang si Manang magpabili narin ako. "Ha? mangga? di season ngayon ng mangga pero sige hahanap ako, para iba na yan ah Ymara. Hehehe joke lang ha wag ka magalit." hirit ni manang.Biglang kinabahan si Ymara kaya naisipan nyang maghanda para bumili ng pregnancy test. Pagdating sa pharnasya dalawa na magkaibang klase na binili nya at agad umuwi. Pagdating sa bahay agad syang nagtungo sa banyo at umihi kinabahan habang pinapatak ito sa pregnancy test. Paikot ikot sya at balisa ng ilong minuto hinihintay bago nya tingnan. Pagkatapos ng limang minuto agad nyang tiningnan ito. Napatulo ang luha nya at nanginginig ng makita ang dalawang linya. Gusto nyang tawagan si Ezequel pero paano nya sabihin. Naisipan nyang magpacheck up muna sa susunod na linggo pagkatapos saka nalang niya sasabihin. Ngunit nakalipas lamang ang dalawang araw nagpacheck up na sya kasi di na nya kaya nararamdaman nya. "Kailangan mong magpahinga at bawal kang mastress." payo ng doctor." Inumin mo kumpleto yung pangpakapit at vitamina." dagdag neto. "Opo doc salamat." sagot ni Ymara. Pagkaalis nya sa clinic agad syang bumili ng gusto nyang makain tulad ng mangga at santol. Hindi nya pa alam paano sabihin kay Ezequel eh lagi itong galit. Baka sa susunod na buwan nalang at sa sunod nyang pacheck up. Umuwi agad sya pagkabili nya at nagpahinga.
"Oh! Ymara anong result don sa pagpacheck up mo kahapon namumutla ka ah, okay ka lang ba?" tanong ni Mang Mando. "Okay lang ho, subrang pagod lang po." sagot ni Ymara na di pa alam kung paano mag alibay. " Pagod? eh nakaupo at computer lang yung trabaho mo, sabagay nakakastress din talaga yan minsan." saad ni Mang Mando na nagtitimpla ng kape. Ang bango ng kape ni Mang Mando ngunit isa ito sa mga pinagbabawal ng doctor sa kanya. "Gusto mo din ba kape ipagtimpla kita?" tanong ni Mang Mando sa kanya. "Wag na ho, okay lang ako na lang magtitipla mamaya, salamat po." sagot niya kunwari nalang na magtitimpla sya mamaya. Umakyat na sya baka madami pa itatanong sa kanya at madulas pa siya sa mga isasagot nya. Lagi na siyang inaantok at gustong gusto na niyang humiga at matulog nalang palagi ngunit may trabaho a siya kailangan niyang kumayod at mag ipon para mapaghandaan niya ang bata at panganganak niya. Hindi naman kasi siya sanay umasa kahit na kay Ezequel. Balak niya pading magtrabaho hanggang pagkalaki ng tiyan niya para nadin may pang check up at pwede namang sa kabuwanan niya na siya magleave. Kinakabahan siya sa responsibilidad dahil hindi pa siya handa ngunit kailangan niyang harapin at tanggapin ito. Excited nadin siyang sabihin kay Ezequel ano kaya magiging reaksyon nito. Habang kumakain ng pananghalian sa sala, "Uy! swerte Ymara may paincentive si Boss at malaki sales natin ngayong taon." tuwang tuwa na hiyaw ni Axel. "Bakasyon daw tayo ah sabi ni Boss sa Samar ngayong holiday." sabi ni Mang Mando. "Samar? bibisita don sa mga kamag anak niya? andon din si Ezequel ah." sabi ni Mang Anya. "Tamang tama makakasabay si Ymara at makapagbisita sa giliw nya ayieeeeh." tukso ni Axel. "Totoo ba yan baka drawing na nmn yan, wag muna tayong umasa baka mausog hahahaha." sambit ni Ymara pero sa isip nya hinihiling na sana totoo. at biglang nakaramdam ng excitement. Baka don ko nalang kaya sasabihin kay Ezequel tamang tama talaga galing naman ng tiempo."Celebrate natin yan tara tagay tayo bili ka don Mang Mando libre ko na." sabay abot ni Axel ng isang libo kay Mang Mando. Tumatayo na si Ymara upang aakyat at gusto nya ng mahiga. "Oh! san punta mo Ymara? Himala atang wala kang balak iinom ngayon." sabi ni Mang Anya. "Di po ako pwede Mang Anya." biglang napatigil si Ymara sa nasabi nya. " Kakapacheck up ko lang po kasi at may mga bitamina akong iniinom dahil daw po sa stress at puyat." alibay nyang sabi. "Sige pahinga ka nalang kami nalang muna mag iinom." sabi ni Axel. "Salamat sige mauuna na ako sa inyo, enjoy nalang kayo." sabay alis ni Ymara. " Bakit lagi atang matamlay si Ymara ngayon Axel, kumusta na kaya sila ni Zeque?" pang mamarites ni Mang Anya. "Baka nag away lang, pero lagi nalang syang nasa kwarto ngayon no at namumutla na" sagot ni Axel. "Sabihin mo kaya kay Ezequel" sabi ni Mang Anya. "Hayaan mo yan at malalaki na mga yan kaya na nila sarili nila" sabi ni Axel. "Kayo talaga kasama nyo pinagmamaritisan nyo, oh ito na yung nabili kong alak at pulutan, paabot ng pitchel at shot glass Mang Anya" sabi ni Mang Mando na kakarating lang galing sa tindahan. "Oh ito maiwan ko na kayo bahala na kayong dalawa at madami pa akong gagawin." sabay alis ni Mang Anya. Pag akyat ni Ymara sa taas gusto nya sanang tapusin ang trabaho nya ngunit inaantok na nmn sya. Hihiga lang sana siya ng unti para makapagpahinga ngunit tuluyan na siyang nakatulog. Nagising na lamang sya sa alarm nyang alas 3 ng hapon para gawin yung report nya. Dali dali syang naghilamos at humarao na sa computer nya. Ang dami na palang chat ng boss nila. "Anya prepare kayo at bibisita tayong samar, babakasyon ako eh sabay na kayo eksakto madalaw mo si Ezequel ngayong darating na holiday." chat ng Boss nya. "Sige po totoo po yan Boss ha ." reply nya na nakangiti ang mga labi.