LAURA POV NAKATINGIN ako sa bintana habang umaandar pa rin ang kotse pabalik sa bahay nina Ninong Garvin and Ninong Gavin. “Inaanak, naging masaya ka ba nang makilala mo ang parents namin?” tanong ni Ninong Gavin sa akin at nakita kong nakatingin siya sa rear view mirror. “Um, opo, Ninong Gavin. Bigla pong nawala iyong kaba ko kahapon. Sobrang bait po ng parents ninyo. Nakakahiya lang po kasi nalasing po ako kagabi,” mahinang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang tinginan nina Ninong Garvin and Ninong Gavin. “Wala iyon, inaanak. Naging masaya naman ako.” Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Naging masaya siya na lasing ako? “Ano po ang sinabi ninyo, Ninong Gavin? Naging masaya po kayo? Bakit naman po?” takang tanong ko sa kanya. “Ah—” “Gustong sabihin ni Gavin ay naging masaya siya dah

