Chapter 10
****
Grace's POV
Bago magtime ay pumunta muna ako sa cr, umihi ako at naghugas ng kamay. After nun ay napatingin naman ako sa salamin. Magpahanggang ngayon ay diko parin maalala ang nangyare. Ano ba ang ginawa ko? Kalokohan, oh mas malala pa sa kalokohan. Tinitigan ko lang ang salamin, napapatagal na ako dito dahil sa memories ko kagabi. The f**k?! Napapikit ako at lumabas na din. Nagtrabaho na din ako dahil imbak ang gagawin ni boss. Mabuti na lang nandito sya.
I'm doing something when someone grab my hands. Napatingin ako dito and it's Zyra. What now?
" ano na alala mona? Sigurado mamumula ka sa kahihiyan. " si Zyra.
" ano ba pinag sasabi mo? Diko nga maalala pinag gagawa ko. Lalo na kagabi, nahihirapan ako. " inis kong saad.
Lalo na naiinis ako sa sarili ko. Pagkagising ko kanina ay ibang iba ang awra ko. Mukhang hindi ito kalokohan, mas malaki pa sa kalokohan. Ninenerbyos na ako dito. Napakagat naman ako sa labi. Kakayanin ko ito. Kakayanin?!
" huh?! Madali lang alalahanin yan. Bakit ka nahihirapan? May ininom ka kagabi ano?! " ako? Iinom?
Never akong iinom. Never, umiling naman ako agad dito. Pwera na lang sa isang ginawa ko, kaya ako nalasing. Kagabi ba yun? Natulala ako bago ko alalahanin lahat. Oh my gosh! Kagabi ba talaga yun?!
*** (flashback )
Grace's POV
Tinitigan ko si Boss, ngunit nawala iyon ng magsalita sya. May sinasabi ito pero wala akong maintindihan. Para kaseng sya lang ang nakikita ko. Wala sina Sir Uriel at Zyra, kame lang ang nandito. Kame lang. Gusto ko itong halikan pero, mag mumukhang mapusok ito. Dapat planado kung hahalikan mo ang isang tao. Sige!
" Grace are you there? Your not with me?! Wala kang naiintindihan sa sinasabi ko right?! " nawala ang tulala ko kay Sir. Tsk!
" S-sir?! B-bakit po? " taranta ko naman saad. Nakakaba naman ito?! " Sorry po sir, sorry po hindi napo mauulit. " dagdag kopang saad.
Narinig ko naman itong bumuntong hininga.
Galit na ito, dahil lang sa tulala ako. Ganyan kababaw ang galit ng boss ko. Nakatungo lang ulit ako. Oo nakatungo nanaman ako. Ewan kona lang kung hindi ako mastiff neck. Napatingin lang ako dito ng magsalita, at hindi tungkol sakin.. Wews!
" Sorry " huh? For what?
" Po sir? Bakit po kayo nagsosorry? " taka kong saad. Bumitaw naman ako agad dahil tsansing na ako.
Nakakahiya ka Grace Villarama.
" For everything that i've done. I'm really sorry " napatango naman ako dito. In the end he say's sorry. He end up saying sorry for what he does.
That's my boss?!
Mukhang tatagal na talaga ako sa kompanya ha? Sana nga magtuloy tuloy na ito. Thanks for all miracle God. Your my arm and saviour. Thank you rin dahil hindi nyo ako pinapabayaan.
" do you want to eat? Just tell it, i'm threating you food right now. " nanlaki ang mata ko. Syempre hindi ko pinahalata. At mas lalong hindi ko pinahalata na nag lalaway ako.
I licked my lips, while staring at it. I can't believe it si boss pa talaga?
" quit staring! I might fall?! " and he snap his fingers. I shake my head in his snap.
" Sorrry boss, hindi lang po ako makapaniwala " saad ko. Nagkamot naman ako sa batok.
Tumingin naman ako dito at nakangiti na sya. Ang gwapo pala nya, ay gwapo! Nasan? Nasan? Wala naman ah? Wala, walang gwapo. Wala akong kasamang gwapo. Ito ba yun si boss? Hindi ah, napaka pandak nga nito. Gwapo pa kaya?
" tara na boss, masasayang yung pagkain " pag anyaya ko. Ayon at tumawa ng malakas. May di saltik ba itong boss ko?
" BWAHAHAHAHAHA?! YOUR FUNNY GRACE HAHAHAHAHA!! "
Napasimangot naman ako dito. Gawin ba naman akong clown?! Kung hindi ko lang ito boss. Nabugbog kona ito. Tinignan ko muna ang kasamahan ko. Ayon at busy nanaman sakalaplap ng labi ni Sir. Uriel.. tibay! Dito pa talaga sa public?
" stop staring at them Grace, i might think that your jealous with them. " nanliit naman ang mata ko.
Oo maliit ang mata ko, kasing liit ng height ng boss ko. Nakita nya ito kaya natawa nanaman. Punyeta, ba't ba natatawa si boss pag nakikita ako? Ginawa ba talaga nya akong clown? Nyeta to ah?!
Kung hindi ko lang ito boss.
" let's go, masamang paghintayin ang pagkain. " sabay hila sakin. Ansakit ha?
Muntik nang malagas ang kamay ko. Porket maton ang katawan eh. Diko nagawang lingunin si Zyra, pinapasok kase ako agad sa kotse. Take note, inalalayan nya pa ako.
At nang marating naman namin ang restaurant, napanganga naman ako sa laki nito. Syempre hindi ko pinahalata, sinarado ko bibig ko. Bago pa makita ni Boss! Pumasok kame sa loob ng restaurant. At ito naglilikot naman ang mata ko. Ang ganda ng place, i swear hindi ako nagbibiro.
" come here love, let's go to our table " nagitla naman ako dahil nagsalita si boss. Napatingin ako dito, what did he say?
Is he claiming me as his girlfriend? Nanaman? Ano to for clout chasing? Grabe sya ah?!
" ah eh oo nga po hehe " saad ko. Ba't mas lalo naging mahinhin ako amp. Sobra naman eh! Mukhang akong pabebe.
Umorder muna kame, i mean sya lang wala naman akong alam sa mga pagkain dito eh. Tsaka nalaman kona lamang na susunod sina Sir. Uriel makikikain. Ang sabihin lang ni boss. Third wheel kame. Busy lang ang mata ko, ang likot?! Mas maganda kase dito sa pwesto namin eh. Magaganda yung mga design.
" bakit po boss? " nahagip ng mata ko si boss. Naka pose ito at nakadikwatro. Nakakagitla naman ang isang to.
" nothing, your cute ha? " nanlaki ang mata ko. Wag kang mamumula Grace, tangina mo pag namula ka.
Magsasalita pa sana ako ng dumating sina Zyra. Oh hell no! Wag mong sabihin double date to?! Ay punyeta. Anlakas ng imahinasyon mo ha?! Napatingin ako dito dahil napaka lingkis ni Zyra. Alam nyo yan, mukha syang ahas na unggoy. Ano ba naman itong kasamahan ko. Isang haliparot??
" Grace love, let's eat na nandito na pagkain oh! " napatingin naman ako kay boss.
Oo nga nandito na nga, at natatakam na ako punyeta. Nanlalaki mata ko sa mga pagkain. Pero syempre kailangan mabait kay boss. Hinhin amp?! Uminom muna ako ng, ano to dugo?!
Cannibal si boss?! Gusto kong mahimatay nyeta.Tinignan ko sya kaya ngumiti ako. Inumin mo yan Grace, kahit dugo pa yan.
" ansarap! Boss ano to?! " pagkainom ko. Hoy first timer lang ako ah?!
" it's wine, don't drink it like water. Baka kung ano mangyare sayo. " saad nito. Tinignan ko yung baso. Nangalahati na!
Ambobo ko naman?!
At yun kumain kame ng kumain, may napagkwentuhan kame ni boss kaya yun napapainom ako sa wine. Diko nga namalayan na sarap na sarap ako dun. Diko nga alam kung nakailan akong baso. Dagdag sa bayarin ni boss hehe. At nung papauwi na kame, sa loob ng kotse bigla kona lang hinalikan si boss. Grabe nga binibigay ni boss na halik sakin eh. Konti na lang eh kainin na nya buong mukha ko. At pagkatapos nun ay anglingkis kona dito. With matching haplos pa sa kamay. Inuwi nya akong makulit at ano ano pa sinasabi ko. Diko nga alam kung lasing ba ako or what.
***
" Grace ano na, natulala kana dyan. " saad ni Zyra.
Bumalik ako sa realidad, hindi, hindi yun totoo! Hindi yun totoo?! Wala naman koneksyon yung mga empleyado ha?! Pero bakit ganon ang reaksyon nila sakin?! May isa paba?! May isa pa?!
" Hoy, ano ba nangyayare sayo?! Na alala mona ano? HAHAHAHA?! "
" Ano ba?! Wag ka tumawa, napepressure ako sayo?! " inis na saad ko. Yun ang bruha tawang tawa. Kabagin sana sya!
Inirapan ko ito at tawa pa rin ng tawa ang babae?! Nagbalik trabaho na lang ako dito, iniwan ko itong tumatawa. Ewan koba dito at pumuslit pa sakin. Mukha syang batang nawawala.
Kaya pala ganon na lang tumawa si boss. Grr?! Humanda sya sakin?! Gawin ba naman akong clown?! Nanliliit ang mata ko at nakakuyom ang palad. Naiinis ako sa sarili ko!!
" so kamusta Grace Villarama? Naiilang kaba sa ginawa mong paghalik? " saad ni Zyra. Nakatungtong ang kamay nito sa table ko.
Tinignan ko ito na naiinis. Gumagalaw pa ang kilay nito sakin. Tsk?! Nakakainis naman eh. Kaibigan koba talaga ito?! Imbis na damayan ako, kalokohan pinaggagawa.
" ewan ko sayo, tse?! " na alala ko naman yung halikan nila sa public kagabi.
I smirk sabay ng pagtingin dito.
" kamusta labi ni Sir Uriel, hindi ba namaga? Tignan mo nga! Baka namaga na yun?! " pang aasar ko. Hayan?! Ganyan nga Grace.
Mukhang wala ding maalala ang isang to. Tignan mo oh! Mukhang may inaalala. BWAHAHAHA! GOOD JOB. Best revenge ever.
Tinignan nya ako ng masama. BWAHAHAHA?!
" Dyan kana nga?! Tse! " saad nito bago nagmartsa. Jusko! Natatawa naman akong bumalik sa gawain ko.
Tapos nakita ko yung schedule for today. Please act normal Grace, your showing your face to your boss. Na hinalikan mo?! Act innocent na wala kang ginawa. Tinignan ko muna ito bago tumayo, nakita ko yung sched nito with his Dad. Hindi na ako magtataka. Ipapaclear nya yun.
Pumasok naman ako deretso sa table nya habang nagsasalita.
" Sir this is schedule for your todays appointment, later you have meeting with the investors. The other one was dinner with your family. And lastly dinner meeting with your fiancé "
Tinignan ko ito, nagitla sya sa mga sinasabi ko. Right?! Ipapacancel nya ung dalawang meeting.
Balimbing ka Grace, may fiancé din pala itong hinalikan mo. Ano gusto mo maging kabit?! Jusko ka dzai.
" cancel the two meeting. Please lamg Grace. I don't care if that's important! " haist. Ngumiti ako at umalis.
At sa pagalis ko ay bumuntong hininga ako. As usual!
Kaya ito as usual icclear ko nanaman yung sched nya. Ang balimbing yung boss ko eh hehe. Kung sabagay imbak na yung gawain nya. Kahit ako ay marami ang gagawin. Mukhang over time nga kame ngayon eh. Jusko dzai! This is life!
" uy grace! Totoo ba yung usap usapan na girlfriend ka ni Sir? " muntik kona masapak yung nagsalita.
Taena neto. Girlfriend talaga? Anlakas ng pangarap nila ah?! Tinignan ko ito, ngumiti sya sakin. Diko naman sya kakilala! Nang aasar ba ito?!
" girlfriend? Ano yun? Hindi ako updated ha, mas nauna pa kayo kesa sakin. " sarkasmo na saad ko.
Kita ko naman na nagtaka ito sa ugali ko. Ba't pa sila magtataka, sila nga updated sa life ko eh. Nginitian ko ito at, nagbalik sa gawain. The f**k! Yung utak ng mga tao dito nasan na?
" sus Grace, girlfriend ka na ni sir, wag mona ikahiya. Ayyiieee! " nakakadiri naman to. Yung pandak na yun?!
" ah oo nga?, oo nga? Sige na mapagalitan pa ako. Working hours pa oh! "
" hm sige dyan kana, galingan mo sa trabaho Mrs. Kinsley " muntik kopa mabali yung ballpen. Misis?
Misis?!
Hibang talaga mga tao dito oh?! Nasa space ba utak nila? Pinag sawalang bahala kona yun. Pumanhik na ako sa gawain, pero nadidistruct ako sa sinabi nya. Ako? Girlfriend? Usap-usapan pa ah?!
Ano nanaman ito?! May ginawa paba ako bukod sa kiss?! Inuntog ko ang ulo sa table. Tanga ka Grace, ano pa ang pinag gagawa mo?!
" Excuse me Miss Villarama, what are you doing?! " ginitla ako ni boss nyeta.
Hindi ko sya napansin ha?!
" ay girlfriend?! -- sir nakakagulat namab po kayo?! -- ay sir sorry, sorry natulala lang po ako hehe. "
" go back to work Miss Villarama. " diin nitong saad sakin. Napatango ako at napakamot pa sa batok.
Ano ba naman kase grace, bakit ka ganyan?! Bakit ka nagkakaganyan ngayon?! Kase naman eh! Kasalanan ito ng babae.