[LOUISE'S POV] Habang nag-lu-lunch kami ay nag-open ng topic si Kate. "Nga pala, malapit na ang Mr. DGUP 2016. Sumali kaya kayong tatlo." sabi ni Kate sa tatlong hunks. "Tsk! Hindi ako interesado diyan." sabi ni Billy. "Ayoko sumali." sabi naman ni Fredison. "Okay, sasali ako." sabi ni James. Sayang naman ang kagwapuhan nila kung hindi sila sumali. Sa bagay, hindi naman nila hilig sumali sa mga pageant. Sadyang si James lang ang gustong sumali para na rin sa mga chicks niya. You know, dagdag pogi points. "Sige na, sumali na kayo. Nalaman ko kasi na kung sino ang hihiranging Mr. DGUP 2016 ay makaka-date niya ang Miss DGUP 2016. At ikaw yun Louise." sabi ni Kate. Ahh! Makaka-date pala nila ang Miss DGUP 2016. *shock* Wait! Ako yun ha. Teka... What? Ide-date ako sa hihiranging Mr. D

