[LOUISE'S POV] "Good evening everyone. And welcome to the Coronation Night of Miss DGUP 2016." panimula ng Emcee. Narinig ko naman ang cheer ng mga audience sa pambato nilang kandidata. "Noong pre-pageant ay nalaman natin kung sino ang Top 8 ng Miss DGUP 2016. Pero ngayon, sino kaya ang hihiranging Miss DGUP 2016? Let the pageant begin. Here are the Top 8." - Emcee Biglang nag-play yung music at isa-isa kaming rumampa sa stage. Pagkatapos naming rumampa ay talent portion na. "Let's give a warm of applause to Candidate No. 3. Princess Sy." sabi ng Emcee. Pumunta na sa stage si Princess. Naka-belly dance outfit niya. Nang magsimula na yung tugtog ay nagsimulang nang mag-belly dance si Princess. Okay naman yung talent niya. Nagpalakpakan naman yung mga tao. Yung boys naman ay sumipol ma

