•Eychan• Napangiti ako nang ngumiti ang batang hawak-hawak ko ngayon nang marahan ko itong idinuyan. Noong hindi pa ako dumarating sa buhay ni Thunder alam ko na masyado itong hayok sa babae. Palagi itong naghahanap ng babae sa club para maibigay ang init ng katawan na hanap nito. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang batang ito dahil wala naman siyang kasalanan sa ginawa ng mga magulang niya. Hindi ko rin pwedeng sumbatan si Thunder dahil hindi naman namin alam na kami pala ang pagtatagpuin. "Eychan, magpapaliwanag ako tungkol dito." Lumapit ako sa kanya at inilagay sa mga bisig nito ang bata. Hindi ko pa masabi na kamukha niya ang bata dahil ilang buwan pa lang naman ito, pero kung sa kanya nga ito ay tatanggapin ko ito at aakuin. "Hindi ko alam kung sino ang nabuntis ko gumagamit naman

