•Eychan• "Sa tingin mo ba magpapakita iyong Chiannie mamaya?" Natigil ako sa paglabas ng cubicle nang marinig ko ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung sino ang nagsasalita dahil hindi naman pamilyar sa akin ang mga boses nila. "Hindi ko rin alam, pero hindi ba at sabi-sabi dati na kaya ito tumigil sa pagiging figure skater dahil sa boyfriend niyang namatay?" Napalunok ako dahil sa sinabi nito dahil tama naman siya. Hindi ko itatanggi iyon na tumigil nga ako dahil kay Kyser, pero gusto ko ng payapang buhay iyong hindi na pag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa pagkamatay ni Kyser. Kung hindi lang sana sumulpot si Chiannie, hindi sana mangyayari 'to. "Napaisip din ako, eh, bigla na lang siyang nawala noong gumagaling na si Miss Monique. Baka hindi natin alam na si Miss Monique pala an

