•Eychan• "Iyon nga ang nangyari sa mga magulang mo, Eychan. I'm really sorry kung ibinigay kita sa iba," malungkot na saad ni Tito Innoxx sa akin. Matapos naming magliwaliw ni Thunder at iba naming kaibigan no'n ay naisipan naming ipahanap ang taong unang umampon sa akin bago ang itinuring kong magulang at dito nga kami dinala sa bahay ni Tito Innoxx. "Wala po kayong dapat ihingi sa akin ng tawad, tito, alam ko po na ginawa niyo lang iyon para mabigyan ako nang magandang buhay." Matapos ang mahabang kwento niyang iyon ay pakiramdam ko nalaman ko na ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan. "Hindi ko kilala ang mga magulang mo nang lubusan kaya hindi ko alam ang kwento nilang tatlo dahil wala rin namang nabanggit sa akin ang ina mo tungkol sa relasyon nila ng dati niyang kasintahan na si J

