•Eychan• Kinapa ko ang nasa kabilang parte ng aking kinahihigaan para hanapin si Thunder kahit nakapikit ang mga mata. Nang hindi ito mahanap ng mga kamay ko ay kaagad kong idinilat ang aking mga mata. Dismayado akong bumuntong-hininga at inayos ang nagulo kong damit at buhok bago lumabas ng kwarto. Mabuti na lang at hindi na masyadong masakit ang nasa pagitan ng hita ko. Hinanap ng aking mga mata si Thunder ngunit wala rin ito sa may malaking puno kung saan nakatambay ang mga lalaki. Napabuntong-hininga ako at naglakad patungo sa ibang parte. Natigilan ako nang makita ko itong nakikipagtawanan sa ibang babae. Palaging mabigat ang dibdib ko kapag may kausap itong ibang babae kahit wala naman itong ginagawang masama. Akmang lalapitan ko na sila nang marahan siyang tinapik ng babae sa ka

