•Thunder• Napatingin ako kay Eychan na mahimbing na natutulog. Naglakad ako patungo sa kama nito at inilagay sa sidetable ng kama niya ang pagkain na niluto ko. Dinama ko saglit ang kanyang noo bago tumayo para kumuha ng bimpo at maaligamgam na tubig para mapunasan ang kanyang noo at katawan. "Ali, bakit ba palagi mo na lang ako pinag-aalala. Ngayon ko lang naramdaman sa babae ito," saad ko at pinunasan na ang kanyang noo. Unang pagkikita namin nang lumabas siya rito sa unit habang nag-aaway kami ng babaeng pinipilit akong pikutin. Pamilyar ang mukha niya sa akin ngunit hindi ko naman matandaan kung saan ko ito nakita. Simula nang araw na iyon ay hindi na matanggal ang mukha nito sa aking isipan, lalo na at kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Ang tapang nitong tingnan per

