•Eychan• Nilingon ko si Clyden nang ipinatong nito ang kanyang kamay sa aking balikat. Napaatras ako mula sa aking kinatatayuan upang yakapin siya. Siya lang naman kasi ang nagpapakalma sa akin kapag nagagalit at nasasaktan ako. "Anong problema, Ali? Kilala mo ba siya?" tanong nito sabay turo kay Coach Stella. Tumango ako bago muling binalingan ng tingin ang huli. "I trusted her," mariin kong sumbong kay Thunder. Walang namutawing salita sa labi ni Coach Stella nanatili lamang itong nakatitig sa kamay namin ni Thunder na magkasalikop. "Og my gosh, girl, ikaw ba ang tunay na Eychan kaya ka maka—" Hinubad ko sa harapan ni Chiannie ang wig kong suot at ang eyeglasses na tumatakip sa aking mata. Kinuha ko rin ang wipes sa aking bag at pinunasan ang buo kong mukha. Dilat na dilat ang k

