•Third Person• Napatingin ang dalagang si Klarissa sa lalaking nasa harapan nito. Hawak-hawak ang malaking tiyan ay pinakiramdaman nito ang pagsipa ng supling sa kanyang sinapupunan. Napapalunok naman ang binata habang nakatingin sa babae. Hindi nito mapangalanan ang emosyon na lumulukob sa kanyang dibdib. Mahal na mahal niya ang dalaga pero hindi niya kayang panagutan ang batang dinadala nito dahil hindi ito ang gusto ng kanyang ina. May babae nang napili ang senyora para sa kanya, kung hindi niya iyon papakasalan ay tiyak na mawawalan siya yaman sa buhay. At ayaw niyang mabuhay na mahirap kahit kasama ang babaeng minamahal. "Jacob, buntis ako! Kailangan kita para magiging masaya kami ng anak natin," wika ni Klarissa habang deretsang nakatitig sa binata. Nang umiling ang binata ay kaag

