•Eychan• Nanginginig ang aking kamay habang binabasa ang sulat doon. Hindi ako mapakali para bang sinisilaban ang aking pwet at gusto ko kaagad na puntahan si Dreame. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at kaagad na isinilid sa aking bulsa ang papel na iyon. "Ali, may problema ka ba? Bakit ka pawisan at kinakabahan?" tanong sa akin ni Thunder nang makalapit na siya. Umiling naman ako kaagad dito at pinahid ang aking buong mukha. "May pinabasa lang—" "Medyo sumasakit iyong tiyan ko. Sa tingin ko ay nagugutom ako, Ali," tugon ko sa kanya. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni papa dahil baka kung ano isipin nito. "Ipagluluto mo ako?" paglalambing ko sa kanya. Ginulo naman niya kaagad ang aking buhok at tumango. Niyakap ko muna siya bago ito hinayaan na pumunta sa kusina. "Pa," ta

