Tina Pagmulat ko ng aking mga mata ay ang puting kisame agad ang bumungad sa akin. Nang maalala ko kung bakit ako nandirito ay napaluha na naman ako. Hindi ko lubos maisip na tuluyan na itong nawalan ng pagmamahal sa akin. Alam ko naman na kasalanan ko din kung bakit nangyari ang ganoon sa amin. Kung sana sinabi ko dito ang tunay kong sitwasyon, hindi 'yong biglaan ko na lang siyang iniwan. Nangyari na at hindi na 'yon maibabalik pa. Nilibot ng mga mata ko ang loob ng kuwarto hanggang sa mapadako ang mata ko sa nakayukyok na lalake sa tabi ng aking kinahihigaan. Napamulagat ako dahil hindi ako maaaring magkamali. Sa bilis palang nang takbo ng aking puso ay alam ko na kung sino ito. Naguguluhang akong nakatitig ako sa kanya. Hindi ko kasi maiwasang itanong sa sarili ko kung bakit siya an

