Tina After five years... Nakatayo ako ngayon sa entrada ng airport. Hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko palabas. Natatakot ako sa kahaharapin ko. "Are you okay?" tanong ni Mark sa akin at tinapik ang aking balikat. "I don't know." makatotohanang sagot ko dito, dahil sa totoo lang ay halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. "Talk to him, maiintindihan ka niya." payo nito sa akin at hinagod ang likod ko. "Sana ganoon lang kadali, Mark. Five years, Mark. Five years." malungkot kong saad habang nililibot ng mata ko ang labas ng airport. "Kung talagang mahal ka niya, maiintindihan ka niya kahit ano pa ang dahilan mo." pagpapalubag loob na payo niya. "Maraming taon na ang lumipas, Mark. Baka hindi na niya ako mahal ngayon. Let us leave it in the past. Pero kailangan ko siyang harapin."

