Tina
I stay still habang pinagmamasdan ko si Mark na nakahiga sa hospital bed. Maraming nakakabit sa katawan nito na hindi ko alam kung ano ang tawag. Hindi maampat ang pagluha ko simula pa nang dumating ako hanggang sa makaupo ako sa tabi niya.
"I'm sorry," umiiyak na sambit ko at hinawakan ang mga kamay niya. "If only I knew that this would happen."
"It's not your fault, Hija." napatingin ako sa Mommy nito na nakatayo na pala sa aking likod at hinawakan ako sa aking balikat. Kahit sabihin nitong hindi ko kasalanan ay parang napakasikip pa rin ng aking dibdib. "I told him not to go out last night dahil masama ang pakiramdam nito. Pero sinabi niyang hindi niya pwedeng hindian ang kaibigan niya. They found his body lying on the floor at the parking."
Napatanga ako sa narinig ko. If they found him at the parking, malamang ay nakita nito ang namagitan sa amin ni Tyronne. Mas lalo ko namang sinisi ang sarili ko sa nalaman ko.
"Kung hindi ko sana siya iniwan doon." nanghihina nang sambit ko at napayuko.
"Don't blame yourself, Tina. Masama na talaga ang pakiramdam niya. Matigas lang kasi talaga ang ulo niya." umiiyak ding sabi ng Mommy nito sa akin. Hindi na ako umimik dahil wala akong maisip na sasabihin. "I'll go buy you a drink para mahimasmasan ka. I'll be back." paalam nito habang pinupunasan nito ang luha sa kanyang mata. Tumango nalang ako dahik wala nang lumalabas na salita sa aking bibig.
Napayuko ako at inilagay ang noo ko sa kamay ni Mark. "I'm sorry, Mark. Pkease wake up. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa'yo." sambit ko at tahimik na umiiyak. "I know, It's my fault. So please wake up." pakiusap ko habang umiiyak.
Hinawakan ko lang nang mahigpit ang kamay nito at hindi na binitawan pa. Nang bumalik ang Mommy niya at sinabi ko dito na ako muna ang magbabantay.
"Ako na po muna ang magbabantay, Tita. You should rest, balik nalang po kayo pag nakapagpahinga na kayo." suheatiyon ko dito na agad niyang tinanguan.
"Are you sure?" Tumango ako sa tanong nito. "Okay, I'll be back later. May gusto ka bang kainin, Hija?"
Umiling ako dahil alam ko na kahit anong ihain mo sa harap ko ngayon ay hindi din ako makakakain. Niyakap niya muna ako at nagpaalam kay Mark na aalis muna. Hinalikan niya muna sa noo ang anak bago ito tuluyang umalis.
Nakatitig lang ako sa mukha ni Mark habang mahigpit kong hawak ang kamay nito at binulungan.
"Wake up, Mark. Kahit para sa akin lang, please. I will do everything para magising ka lang." bulong ko dito at pinisil ang kamay niya.
Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko. Nang rumihistro ang number ni Leanne ay sinagot ko ito agad pero hindi muna ako nagsalita.
"Buti naman at sinagot mo na ang tawag ko. My God! Magtatampo na talaga ako sa'yo." mahihimigan mo talaga ang tampo sa boses nito. Pero nang hindi pa din ako sumasagot ay nagtaka na ito. "Hey, playing deaf or what?"
"It's my fault, Leanne." mahinang usal ko dito. "Kung hindi ko siya iniwan baka hindi ganito ka-grabe ang nangyari sa kanya." hindi ko napigilan ang hikbing kumawala sa aking bibig.
"Wait! What are you talking about?" tanong nito na ikinahikbi ko pa mas lalo. "For f**k sake, Tina! Stop crying and tell me what's going on!" sigaw nito sa kabilang linya.
"I'm here at the hos-pi-tal and--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang maging hysterical na ito sa kabilang linya.
"Hospital?! Don't you dare to joke around, Tina! What hospital? I'm freaking worried! Damn!" mura nito na ikinaiyak ko lang dahil hindi ko masabi dito ang totoo dahil wala pa itong alam about me and Mark. "Tell me where the f*****g hospital are you!" sigaw pa rin nito.
"I'll text you the details. Just please, don't tell Mom and Dad about this." pinigilan ko ang hikbi ko at nagsalita ulit. "I'll explain everything pagdating mo dito. Please... just please... Leanne. Don't judge me." nanghihina nang pakiusap ko dito dahil sa pag iyak ko.
"Okay, promise. Just stay safe. Pasakay na ako ng kotse ko. Text me where you are. I'll be there in a sec."
"Thank you, Leanne." paalam ko dito, narinig ko pa ang pagbuntong hinknga nito sa kabilang linya bago ko pinatay ang tawag at itext dito kung nasaan ako.
Ilang minuto lang ang lumipas nang may marahas na nagbukas ng pinto at tinawag ang pangalan ko.
"Tina!" tawag nito at nang makita niya ako ay agad itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "You don't know how f*****g worried I am. Kulang nalang paliparin ko ang kotse ko makarating lang agad dito."
Nang kumalas ito sa yakap ay napatingin ito sa nakahigang Mark at tumingin ito pabalik sa akin. Nakikita ko ang pagtataka at gulat sa mukha niya.
"Tell me what's going on here, Tina? I don't get it." naguguluhang sabi nito sa akin.
"I'll explain, Leanne." sabi ko at tumayo sa tabi ng kama at iginiya ito lapuntang sofa sa gilid. Pagkaupo palang namin ay agad nang nagsalita si Leanne.
"Explain," mahihimigan mo ang lagkaseryoso sa tono ni Leanne na ngayon ko lang ulit natinig.
"We've been together for a couple of days at pinatawad ko na siya." umpisa ko. Nang mapatingin ito sa akin ay rumihistro ang galit sa mukha niya.
"After what he have done to you? What lie does he have to tell you para mapaniwala ka niya nang ganyan?" galit nitong tanong sa akin na ikinahawak ko ng kamay niya at pinisil.
"Please, let me explain." humihingi nang pang-unawang sabi ko dito na tinanguan niya.
"Go on, I'll try to listen without interrupting." walang emosyong sabi nito.
"He explain everything to me. Noong una ay hindi ako naniwala but he is so damn serious. Nang kapain ko sa puso ko, naramdaman ko na andoon pa rin siya, Leanne. Hindi siya nawala sa tagal ng panahon." tumigil ako at tinignan ang reaction nito. Seryoso lang itong nakaupo at tila nag-iisip kaya nagpatuloy ako.
"Kagabi, magkasama kami sa despidida ng kaibigan nila. But when I saw Tyronne-"
"Tyronne?" she interrupted me and face me with queationing looks.
"Yeah, sa kasamaang palad ay magkaibigan silang dalawa." paliwanag ko dito na ikinamura niya.
"Damn that destiny!"
"As I said, magkasama kami. But lately, iniiwasan ako ni tyronne and I don't know why, I was affected so much." amin ko dito na ikinatingin niya ulit sa akin. But this time ay ngumiti ito.
"Maybe he got you from the start. Hindi mo lang maamin." sabi nito na inilingan ko.
"I don't know. But when he kiss that girl infront of me. Mayroong nagtutulak sa akin para komprontahin ito kaso hindi ko kaya. Napangunahan ako ng huya ko. Pero nang magpaalam ito na gagamit ng CR ay sinamantala ko na ito para kausapin siya. And that's when it started." huminto ako sa pagsasalita at napatingin dito. Kita mo ang pagtataka sa mukha niya.
"Started? Started of what, Tina? I don't understand." naguguluhang tanong nito sa akin.
"Iniwan ko si Mark para sumama kay Tyronne. Get it?" pagkaklaro ko na ikinangisi niya. Halata dito na boto ito kay Tyronne.
"Ohhh... So, siya ang pinili mo ganoon?" tukso nito.
"If only I know that this would happen, sana hindi ko nalang siya iniwan at nanatili sa tabi nito. But to be honest, hindi ako nagsising sumama ako kay Tyronne. But I was blaming myself kung bakit siya nagkaganyan." malungkot na sabi ko at seryosong tumingin sa kinajihigaan ni Mark.
"Why?" kunot-noong tanong nito sa akin.
"Because they found his body lying on that cold floor at the parking." nakayukong sabi ko dito.
"At anong ginagawa niya sa parking? It's not your fault." nakataas kilay na sabi nito sa akin na ikinailing ko.
"I'm with him but I choose to go with Tyronme. And I know he saw what we did." nakita ko ang pagtatakang nakarehistro sa mukha nito.
"What you did?"
"Yes, I know he saw me and Tyronne making out." napayuko ako pagkasabi ko nun.
"Making out session!" sigaw nito at napatayo pa talaga sa kinauupuan niya.
"Lower your voice, Leanne. Nasa hospital tayo." paalala ko dito na ikinaupo niya ulit.
"What the f**k are you trying to say, Tina? Your with Mark but you were with Tronne making some milagrious act. What the actual f**k are you thinking?" iritado nang sabi nito sa akin na mas lalong ikinayuko ko.
"Alam ko na mali ang ginawa ko. But I didn't plan it."
"Of course you didn't. Pero sana man lang nag isip ka, Tina. Mas masahol pa ang ginawa mo kaysa sa ginawa niya sa'yo." galit na sabi nito sa akin. "You played with two people, Tina. Anong mararamdaman ni Mark if he truly sees that. Okay lang sana kung magkagalit pa kayo. But you told me that you were with him and you forgave him already. What you did is unacceptable, Tina." pahaaik na sabi nito sa akin.
"I know, Leanne. That's why I'm blaming myself for what happen to him." hindi ko na napigilang mapaiyak nang mapatingin ako kay Mark na nakahiga at walang malay. Tama naman kasi si Leanne eh, I played with them. Mas masahol pa ang ginawa ko dahil kasama ko siya and gave him the chance pero nakipagsex ako kay Tyronne. Itinakip ko nalang ang palad ko sa aking mukha at umiyak nang umiyak. Naramdaman ko nalang ang pagyakap ni Leanne sa akin habang hinahagod nito ang likod ko.