Nang mahimasmasan na ako sa malungkot kong naramdaman. Dahan-dahan akong dumistansya kay Orson. Pinakawalan naman ako nito. Sinalubong ko ang napaka-gwapo nitong mukha, at ang mga mata nitong tila palaging nangungusap. Kailangan kong pigilan ang damdamin. Uso sa akin ang pagiging Maria Clara. Dahil iyon ang turo sa akin ng aking inang si Aialyn. "Okay ka na siguro," pagdakay tugon ni Orson. Ngumiti ako rito. "Kay Papa pala galing ang mga bulaklak na iyan. And I'm so happy, Mr. Acosta. Akala ko pa naman, nakalimutan na naman nila ang kaarawan ko," nakangiti kong saad. "Hindi malilimutan ng mga magulang ang kaarawan ng kanilang mga anak, maliban na lamang sa mga magulang na wala talagang pagmamahal para kanilang mga anak." "Sabagay, and I'm grateful na sila ang naging mga magulang k

