Pumasok ulit ako sa loob ng sarili kong apartment. Nagtaka ako nang hindi ko na makita si Orson sa couch, where is he? At nagulat na lamang ako nang may tila nagluluto sa maliit kong kusina kaya tinungo ko ito. Naabutan kong nagluluto ng beacon at ham si Orson. Siguro, gutom na ito. Lumapit ako rito. "Hey, okay ka na ba?" bakas sa boses ko ang labis na pag-alala. Nilingon ako nito sabay ngiti. "I'm fine now, huwag ka nang mag-alala. Bakit hindi mo pinapasok si Ziel dito?" "Ayaw niyang tumuloy, maybe, iniiwasan rin niyang magka-iringan kayo. By the way, nag-order nga pala siya ng pagkain para sa'tin. Para sa birthday ko," saad ko rito. "Then, sana hindi nalang pala ako nagluto. I'm sorry kung nakatulog ako kanina," tugon ni Orson. Inilapat kong muli ang isang palad sa noo at leeg

