Hatid sundo ako ni Orson. Ilang araw at buwan ang lumipas naging maganda ang relasyon namin bilang magkaibigan kahit pa nga sabihing binabatikos ako ng ilang mga tao patungkol sa kumakalat na mga maling paratang nila sa'kin. Hindi kami nagpaapekto sa mga ilang allegations na kumakalat. Hindi rin ako nagpadala sa sulsol ng kaibigan kong sina Fei at Aziel na mag-ingat raw ako kay Orson Acosta. Wala akong makitang mali. Lahat ng nais ko ay ibinigay ni Orson. Oras at atensyon ay hindi ito nagkulang kailanman sa'kin. Kahit pa nga ang kapalit nito'y iniwan ako sa ire nina Aziel at Fei dahil sa katigasan ng ulo ko. Ako man ay nalilito kung bakit ayaw nila dito. Ano bang nakita nila kay Orson na mali na hindi ko napansin? Dahil ang nakikita ko sa kanya'y pawang kabutihan, pagmamahal, at pagma

