All the characters in this story have no existence whatsoever outside my imagination and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual know or unknown to me. And all the incidents are merely fictional.
Plagiarizing is a crime and should not be tolerated. My stories may not be as beautiful as the others but I wrote them with all my heart, blood, sweat and soul.
Happy reading!
All Rights Reserved 2019 © Aoi Lasch
***
MASAYANG nagsa-shopping sila Elise at ang kaibigang si Maika nang bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos niyon ay biglaang pagkawala ng kaniyang malay-tao. Nang magising ay natagpuan niya na lang ang kaniyang sarili sa isang silid.
"Elise, are you okay? Namumutla ka pa rin." Nag-aalalang wika nito saka hinaplos ang kanang balikat niya. "Nawalan ka ng malay kanina. So, I brought you here dahil nag-aalala ako." Sinapo niya ang noo ang noo niya. Wala siyang maalala sa nangyari kanina. Na-alarma siya. Sumusumpong na naman marahil ang sakit niya. She remained silent. Maya-maya pa ay dumating na ang doktor. Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang siyang sinigilahan ng kaba. Inangat niya ang paningin niya sa kaibigan. Tila nabasa naman ni Maika ang gusto niyang sabihin. Muli ay hinaplos nito ang balikat niya at marahang pinisil iyon. Tumango ito bilang assurance.
"Miss Elise Delos Reyes, I wanna talk to you in private sana." Panimula ng doktor. "I'm Doktor Austin Mariano, a neurologist. Elise, you have a autosomal dominant inherited form of insomnia called fatal familial insomnia."
Fatal? Mamatay na ba siya? Nilingon niyang muli ang kaibigan. Gusto niyang tanungin rito kung ano ba talaga ang nangyayari. Ngunit ayaw bumuka ng bibig niya at nanaig ang kagustuhan ng utak niya na pakinggan pa ang iba pang sasabihin ng doktor.
"Anong sakit 'yon, dok?" Sa wakas ay naitanong niya. "Fatal familial insomnia is a prion disease of the brain and always almost cause by mutation of protein PrPc."
Kahit na naninikip ang dibdib niya sa mga narinig ay pinilit niyang kalmahin ang sarili. "The symptoms of the disease are progressive worsening of insomnia which leads to hallucination, delirium, confusional states like that of dementia, and eventually death. Kapag na-diagnosed ka na may Fatal Familial Insomnia, mayroon na lamang eighteen months or one year and a half to live from the onset of symptoms. And it has no cure at all." Mahabang paliwanag ng doktor. Kapagkuwan ay napayuko ito.
"So mamatay na ako? Ganoon ba iyon?" Naluluhang tumayo si Elise at nilapitan ang doktor. "Kailan ako mamatay? Sumagot po kayo, kailan?" Napahawak siya sa sa kuwelyo ng suot nito. Tumikhim muna ito bilang senyales na magsasalita na siya. "Since nasa terminal stage of the disease ka na, you only have seven days or less to live."
"No! I'm not dying. I don't wanna die." Pakiramdam ni Elise ay sasabog na ang puso niya sa sobrang sama ng loob. Nanghihinang napaupo siya sa paanan ng doktor. Agad naman siyang dinaluhan ng kaibigang si Maika. Napayakap siya sa kaibigan. Nagpaalam na ang doktor at sinabing maari na silang lumabas oras na mabuti na ang pakiramdam niya. Inalalayan siya ng kaibigan paupo sa gilid ng kama. "Elise, hindi ko alam na may sakit ka pala until now. Why didn't you tell me? E di sana ay may karamay ka sa mga oras na kailangan mo ng isang kaibigan."
Ipinagkibit-balikat niya na lang ang tanong na iyon ni Maika. Wala siyang maisagot rito dahil maging siya ay hindi rin alam ang isasagot. Gusto niyang mag-wala sa sakit na nararamdaman. Pero ayaw kumilos ng katawan niya. Tila ba nag-malfunction ang buong sistema niya. Nakatulala siya sa kawalan, umaasang babalik ang doktor at bawiin ang lahat ng sinabi nito. Pero hindi ganoon iyon e. Buhay na buhay pa sa utak niya ang lahat ng sinabi nito.
"O, Elise!" Bulalas ng kaibigan niya. Niyakap siya nito at mabining hinaplos ang buhok niya. Dahil sa ginawa nito ay pansamantalang naibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman niya. "It'll be alright."
Sana nga... Sana.
***
APAT na araw na ang lumipas mula nang nagimbal si Elise sa katotohanang mamatay na siya. At habang papalapit siya sa araw na iyon ay lalo lang sumisidhi ang kagustuhan niya pa na mabuhay nang mas matagal. Tumingin siya sa kalendaryo. Kumuha siya ng signpen.
"February fourteen, Thursday."
Natigilan siya. How unfortunate at sa Valentine's Day ang kamatayan niya. Sadyang mapagbiro nga talaga ang tadhana. Akalain mo iyon? Mamatay rin siya kung sa araw ng kapanganakan niya. She's turning twenty-six years old this coming February fourteen—kung kailan Valentine's Day at kung kailan mamatay na siya. Bigla ay humigpit ang pagkakahawak niya sa signpen. Nabitiwan niya iyon at sinapo ang sumasakit na naman na ulo niya. Mas matindi at masakit iyon kumpara sa mga lumipas na headache episodes niya. Kasabay niyon ay ang pag-ikot ng paningin niya. May mga boses na bumubulong sa kaniya na magpakamatay na lang dahil mamatay na rin naman siya. Sa sobrang sakit ay napahiga sa sahig si Elise. Sapo-sapo na ng mga palad niya ang magkabilang tainga niya. Ayaw na niyang pakinggan pa ang lahat na bulong na hindi niya alam kung saan nagmula. Napapikit siya at agad ring iminulat ang mga mata. May mga demonyo na nakatingin sa kaniya. Humahalakhak ang mga ito at tila gusto siyang patayin.
Napatili si Elise. "Aghhhh! Tigilan niyo na ako. Umalis na kayo." Naramdaman niya na may humawak sa balikat niya. Isang demonyo ang may gawa noon. Nakangisi ito nakatingin sa kaniya. Humigpit ang pagkakahawak nito sa balikat niya.
"Stop it! I said, stop!"
"Elise, si Maika 'to. Nagha-hallucinate ka na naman." Isang malakas na sampal ang gumising sa diwa niya. Ang halimaw ay naging si Maika. Naguguluhan siya.
"Listen, you're under confusion and hallucination as well as delirium. Huwag kang padadaig sa sakit mo. Pakiusap." Niyakap siya ng demonyong naging si Maika. Maya't maya pa ay bigla na namang sumakit ang ulo niya, kasabay niyon ay ang pag-distorted ng paningin niya. Kumalas siya mula sa pagkakayakap ni Maika at kinuha ang maliit na bote sa drawer. Nagmamadaling binuksan niya iyon at binuhos halos lahat ng laman sa palad niya.
"Sleeping pills won't do any good, Elise. It'll only worsen the symptoms," pigil nito sa kaniya. Hinawakan nito ang braso niya. "Nothing can stop me. Leave me alone!" Tila wala sa sariling singhal niya rito. Nabigla ito sa inaakto niya. Hindi siya nakinig, ininom niya pa rin ang mga sleeping pills na nasa palad niya. One, two, three... Six pills lahat ang nainom niya. "Elise... Natatakot ako para sa iyo." Nasambit na lang ni Maika habang pinapanood siya. Nakangising nilapitan niya ito.
"Sa akin, hindi ka natatakot, ha? Isa kang demonyong impostor na nagpapanggap na si Maika." In all of a sudden, isang sampal ang pinatikim niya kay Maika. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkabigla. "Hindi ako natatakot."
"Ah, ganoon?" Nawawala sa sariling hinila niya ang buhok nito. Sinabunutan niya ito."Natatakot akong mawala ka sa tabi ko, Elise," wika nito sa gitna ng pananambunot niya. Nahihimigan sa tinig nito ang kalungkutan. Bigla ay parang natauhan siya. Nakatulalang binitiwan niya ang buhok ng babaeng nasa harapan niya. Anong nangyayari?
"S-sino ka? Anong nangyayari? Bakit h-hawak ko Ang buhok mo?" Sunod-sunod na tanong niya. "Elise..."
"Wala akong maalala." Inakay siya ng babae papunta sa isang silid. Nanghihinang nagpatianod na lang siya rito. Wala talaga siyang maalala. Lutang na lutang ang utak niya. "Hindi na importante iyon. You already came back to your normal state," niyakap siya nito. "Narito lang ako sa tabi mo. Ako ang kaibigan mo, si Maika. Hindi kita iiwanan sa huling mga araw ng buhay mo." Dahan-dahan siya nitong inihiga sa kama. Lumipas ang ilang sandali ay naramdaman niyang parang inaantok siya. May ngiti namang sumilay sa labi ni Maika habang unti-unti iyong nilalamon ng kadiliman. Then, she drifted off to sleep.
***
KAGAGALING lang ni Jake sa isang inuman. Kasalukuyan siyang naglalakad sa kahabaan ng Taft Avenue nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag na naman ang kaibigan na ka-inuman niya kani-kanina lang. "Ano na par? Buhay ka pa rin ba?" Birong tanong niya. Pero walang sumagot mula sa kabilang linya. "Hoy par! Ano 'to, April Fool's Day? Ang malayo pa iyon ah, Valentine's Day muna." Banat niya ngunit wala pa ring sumasagot. Napangisi siya. He ended the call. Kahit kailan talaga ay mapagbiro ang mga kaibigan niya. Kahit na anong trip na lang ang pinaggagawa ng mga ito at mabuti na lang ay nasasakyan niya. Habang papaakyat siya sa footbridge ay may isang babae ang pumukaw sa atensyon niya. Parang wala ito sa sariling pumaibabaw sa handrails ng footbridge. Saka itinaas nito ang mga kamay at kumaway sa kaniya. Iniyugyog nito ang ulo na parang isang rockstar na kumakanta.
Baliw.
Napapailing na lang si Jake saka itinuloy ang pag-akyat. Habang papalapit siya sa kinaroroonan ng babae ay umaakyat naman ang kaba sa dibdib niya. Paano pala kung isa itong kawatan? O miyembro ng isang budol-budol gang? Baka naman kasi nagpapapansin lang ito upang makuha ang atensyon ng kaniyang bibiktimahin. Tipikal na modus operandi ng mga magnananakaw. Itinuon niya na lang ang pansin sa paglalakad. Kailangan ay malampasan niya na ang babaeng baliw nang sa ganoon ay mapanatag na ang isip niya. Baka mamaya tama pa lahat ng iniisip niya. Sa wakas ay nalampasan na niya ang babae. Tumili ito ng malakas dahilan para lingunin niya ito. "Tulong!" Sigaw nito. Nakita niyang mahuhulog na ang babae. Kumakapit na lang ito sa semento. Aba, pagkatapos nitong akyatin ang handrails para magpakamatay ay hihingi ito ng tulong para iligtas ang buhay nito. So, weird. Tumalikod muli si Jake para ipagpatuloy sana ang paglalakad. Kaso hindi niya maatim na umalis na lang roon at iwan ang babae na nasa ganoong kalagayan. Paano pala kung mali ang iniisip niya? Paano kung isa pala itong baliw na nagtatangka talagang magpakamatay?
"Tulongan niyo ako!" Muli nitong sigaw. Sa pagkakataon iyon ay pinili na ni Jake na tulungan ang babae. Nilapitan niya ito at hinawakan ang braso nito. "Huwag kang bibitaw, miss. Kumapit ka lang sa akin, hindi kita bibitawan." Teka, parang linya iyon ng isang sikat na kanta a? "Natatakot ako. Nakakatakot sila." Humihikbing usal nito. Nahihimigan niya sa boses nito ang takot at alinlangan. Kumurot iyon sa puso niya. Napaka-pamilyar kasi ng tinig nito. Holding her arms and seeing her crying makes him think that she is... Natigilan si Jake. Umiling siya. Iwinaksi niya sa isipan ang isiping iyon. Inilahad niya ang isang kamay niya. Hinawakan nito iyon. Saka niya ubod lakas na hinila ito pataas. Humihingal na napaupo silang dalawa. "Baliw ka rin, e no? Pagkatapos magtangkang magpakamatay ay hihingi ng tulong para mailigtas ang buhay. Hah! Saang mental hospital ka ba nakatakas at nang maibalik na kita roon. Naghahasik ka ng lagim e." Hindi umimik ang babae. Inangat nito ang mukha at inikot ang paningin sa paligid. "Anong nangyari? Bakit ako narito? Anong ginagawa ko rito?" Naguguluhan na talaga siya. So, anong gustong palabasin ng babaeng ito? Na basta na lang itong nag-teleport roon at wala sa sariling gumawa ng kagaguhan? Sabog yata ito e. Nag-adik ba ito?
Matagal na tinitigan ni Jake ang babae. Patpatin ito na parang kinulang ng sustansya sa katawan. Maputla at nakalugay ang mahaba at tuwid nitong buhok. Disente naman ang pananamit nito. Sa tingin niya ay naka-aangat ito sa buhay. Natatabunan na ng buhok nito ang mukhang kanina niya pa gustong makita. Kahit pa nga naiinis siya sa ginawa nito. "Ganoon? Wala kang maalalang kahit na ano? Naku, alam ko na iyang mga modus na 'yan e. Kunwari walang maalala tapos syempre, maawa ang nagligtas sa iyo. Kukupkupin ka at patutuloyin sa bahay nila. Pagkatapos ano? Isa ka pa lang miyembro ng budol-budol gang. Pagnanakawan mo ang tangang kumupkop sa iyo at aalis na lang na parang walang nangyari. Ganoon kayo e. Kaya, huwag ako, miss," mahabang litanya niya at sadyang nilakasan niya talaga para marinig ng babae. Inangat nito ang paningin sa kaniya. Hinawi nito ang buhok at inipit sa magkabilang tainga. Saka niya lang nakita ang mukha nito. Halos malaglag naman ang panga niya nang makilala kung sino ito. "Elise... I-ikaw ba iyan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jake rito. Niyakap niya ito nang mahigpit. Hindi niya lubos maisip na magkikita ulit sila ng babaeng ito. Ang babaeng minsan niyang niyang minahal at sinaktan. Nasa ganoon silang posisyon nang maalala niya kung paano sila nagkakilala...
Naging magkaklase sila ni Elise noong college. Una pa lang na nagtama ang mga mata nila ay tinamaan na talaga siya rito. Bukod kasi sa maganda ito ay napakabait din nito. Napaka-simple lang rin nito, katangian na gusto niya sa isang babae. Pakiramdam ni Jake ay si Elise na ang para sa kaniya kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Niligawan niya na agad ito. Pagkalipas ng halos anim na buwang panliligaw niya sa dalaga ay sinagot rin siya nito. Marami ang nawindang nang kumalat sa buong campus ang balitang sila nang dalawa. Ngunit ipinagkibit-balikat niya na lang iyon. Wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid nila. Ang mahalaga ay silang dalawa. Walang araw na hindi niya pinaparamdam rito kung gaano niya ito kamahal. At ipinangako niya sa sarili niya na hinding-hindi niya ito pakakawalan pa. Pero hindi iyon ang nangyari...
"Bakit mo ako niyakap? Kilala mo ba ako?" Untag nito sa kaniya. Bumalik na sa kasalukuyan ang isip niya. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Kung magpapakilala ba ako, hindi mo na ako itataboy palayo sa iyo?" Napakunot-noo ito at saka umiling. "Elise!" Tawag ng kung sino. Lumingon siya sa pinaggalingan ng tinig. Hindi siya maaring magkamali. Ito ang matalik na kaibigan ni Elise na si Maika. Tumatakbo ito papalapit sa kanilang dalawa ng dalaga. "Elise, anong nangyari sa iyo? Diyos ko, kanina pa kita hinahanap. I should've left you alone in the room," nag-aalalang wika ni Maika rito. Niyakap nito ang kaibigan. "Bakit magkasama kayong dalawa?" Tila gulat na tanong nito. Para bang tinatanong nito kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay silang dalawa pa ni Elise ang nagkita. "Mahabang kuwento e. Ang mabuti pa ay iuwi na muna natin siya para makapagpahinga." Marami siyang gustong malaman. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari kay Elise. At kung bakit nito gustong tapusin na ang buhay nito...
***
NAKARATING na sila ng bahay ay hindi pa rin maiwasan ni Elise na mag-isip kung anong nangyari kanina. Panay ang tanong niya sa sarili niya. Kung paano siya napunta sa footbridge at kayakap ang isang gwapong lalaki. Ang sabi ni Maika ay baka nawala lang siya sa sarili. Natanaw niya si Maika at ang kasama nitong lalaki. Seryosong nag-uusap ang mga ito. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Umismid siya. Ano ba ang pakialam niya? Hindi niya makilala ang lalaki pero sa tingin niya ay nakita niya na ito somewhere. She saw him glanced at her. Nagtama ang mga mata nila. Nagdulot iyon ng samo't saring kalituhan sa kaniya. The way the guy looked at her, the way their eyes met. It was different. It was vivid. Nahagip ng paningin niya ang picture frame nakapatong sa itaas ng divider. Tumayo siya at kinuha iyon. Nanlalaki ang mga mata niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa lalaking kausap ni Maika at ang lalaking naka-akbay sa kaniyan sa larawan. Saka niya lang na-realize na kilala niya ang lalaki. The person who broke her heart that Valentine's Day, two years ago.
"Elise..." Isang pamilyar na boses ang nagpalingon sa kaniya. "Naalala mo na ba ako?" Malamlam ang matang tanong nito. Muli niyang ibinaling ang paningin sa larawan nilang dalawa. "Yes. I remember you." Ibinalik nito sa itaas ng divider ang picture frame at muling humarap sa binata. "How could I ever forget the one who hurt and left me?" She sarcastically said as she's trying to put a barrier between their closeness. Matagal na nagkatitigan silang dalawa. Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Hindi na niya kaya pa ang makipagtitigan rito. Nasasaktan siyang makita ang kalugkutan at pagsisisi sa kulay tsokolateng mga mata nito. At tuluyan na ngang nasira ang defenses niya. Isa-isa nang bumagsak ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. "Sana mapatawad mo pa ako, Elise. Patawad dahil iniwan kita nang ganoon na lang. Patawad kung naging duwag ako at nagpadala sa mga sulsol ng barkada ko." Pagkasabi niyon ay niyakap siya nito. Isinubsob niya naman sa matipunong dibdib nito ang mukha niya. Napapikit siya habang malayang dumaloy ang masaganang luha niya. Kasabay ang ala-alang minsan niyang ginustong kalimutan...
Ang buong akala ni Elise ay magtatagal ang relasyon nila ni Jake. Nagkamali siya. Tatlong taon lang ang tinagal ng relationship nila, patunay na wala talagang forever. Bago sila naghiwalay ay ramdam ni Elise ang panlalamig ni Jake. Naging kasing-lamig ng hangin tuwing kapaskuhan ang dati'y mainit at nag-aalab na pagmamahal nito sa kaniya. Gusto na ng binata na may mangyari na sa kanila. Ang sabi nito ay doon din sila papunta dahil pakakasalan din daw siya nito. Mahigpit na tinanggihan niya iyon. Dahil para sa kaniya ay sagrado ang kasal at ang pakikipagtalik bago ang kasal ay nakakasira sa pagiging sagrado nito. Sa una ay ayos lang kay Jake pero nang maglaon ay nagsawa rin ito. Isang araw ay nagising na lang siyang iba na ang mahal nito at hindi na ito masaya sa relasyon nila. And on Valentine's Day, he just left without telling her why. So, she celebrated Valentine's Day and her birthday, alone. That was a disastrous and heart-wrecking event happened to her life. Even more painful than her parent's death. Naisip niya na kaya siya iniwan ni Jake ay hindi niya maibigay rito ang hinihingi nito—ang pagkababae niya. Gusto na niya sanang pagbigyan ang binata pero huli na ang lahat. Wala na ito sa buhay niya at kailanman ay malabong babalikan pa siya. But she's still hoping that someday, somehow ay bumalik pa ito. She would welcome her with open arms. But months have passed and there's still no Jake running towards her...
"I still love you, Elise. Hindi kailanman nawala ang pagmamahal ko sa iyo. I was so stupid back then. Nagsisi ako nang iniwan kita dahil sa mababaw na dahilan. Dahil lang sa ayaw mong makipagtalik sa akin ay naging gago ako. The most stupid mistakes I've ever did." Inangat niya ang mukha niya at tinitigan ito. Umiiyak na rin pala ito habang nakapikit na nagkukuwento. She can sensed the sincerity on his voice. "But I'm about to die.. Soon," pinahid niya ang mga luha na naglandas sa magkabilang pisngi nito. "I'm celebrating my birthday and Valentine's Day and my death as well. Anything more painful than that?" Napahagulhol siya. Agad naman siyang niyakap ni Jake. He cupped her face and looked at her. "Alam ko. Kinuwento lahat sa akin ni Maika. Oh, Elise. I wish you can share with me your pain and sufferings. Para kahit papaano ay maibsan man lang ang lahat ng sakit at pagdurusang pasan-pasan mo." He reached for her hands and kissed her knuckles. She smiled as an idea came up on her mind. Kumalas siya mula sa pagkakahawak nito. Napakunot-noo naman si Jake.
"Before I die, there's something I wanted you to do with me." Lumayo siya rito ng bahagya. "A-anything for you," nagtatakang sagot nito. Isa-isa niyang tinanggal ang butones ng blusa niya at saka hinubad iyon. "A-anong ginagawa mo? Isuot mo 'yan." Yumuko ito at dinampot ang blouse. Bago pa man ito mag-angat ng tingin ay nalaglag na rin sa harapan nito ang bra niya, diretso sa sahig. Sinunod niya na rin ang maxi squarepants na suot niya. Malaya rin iyong nalaglag sa sahig. Napansin niyang hindi pa rin tumatayo si Jake. Umupo sa sa harap nito in seiza sitting position. "Jake, ngayon ay handa na akong ibigay sa iyo ang buong pagkatao ko." Hinagkan niya ang binata. Gumanti rin ito ng mas maalab na halik. Hinawakan nito ang batok niya upang mas lumalim pa ang halik nito. Maya't maya pa ay naramdaman na ni Elise ang isang kamay ni Jake sa dibdib niya. Napasinghap siya sa ginawa nito. Parang nagdulot iyon ng kakaibang sensasyong ngayon niya pa lang naramdaman sa tanang buhay niya. Bigla ay tumigil ito at tinitigan siya. "Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, Jake." Napangiti siya. Wala na siyang ibang mamahalin kundi si Jake lamang. Itutuloy na sana nila ang naudlot na halik nang biglang kumulo ang sikmura niya. Natatawang napahawak siya sa tiyan niya. "Sinabi ni Maika na ilang araw ka na raw na hindi kumakain," sabi nito habang hinahaplos ang buhok niya. "Halika sa kusina. Ipagluluto kita."
***
"HAPPY Valentine's Day, babe. Happy birthday na rin."
Maaga pa lang ay wala na siyang ibang narinig kundi ang walang katapusang pagbati at pagkanta ni Jake sa kaniya. Masayang-masaya siya dahil nagka-ayos at magkapiling na silang dalawa. Pero hindi niya rin nakakalimutan ang katotohanang ilang oras na lang ay mamatay na siya. Muli ay gusto niya na namang maiyak. Tinanggap niya na iyong katotohanang iyon. Hindi niya lang maiwasan na maluha. "Halika, maligo ka na. Aalis tayo at dadalhin kita sa lugar na tayong dalawa lang ang may alam. Nakapaghanda na rin ako ng agahan. Dali, lalamig na 'yon." Aya sa kaniya ng nobyo. Hinila pa nito ang dalawang kamay niya para bumangon sa kama. Ito pa ang nagsuot ng indoor slippers sa kaniya. Akmang bubuhatin na siya nito nang pigilan niya. "Ano ka ba, kaya ko na 'to. Hindi pa naman ako lumpo," natatawang ginulo niya ang basa pa nitong buhok. Ibinaba na siya nito sa kama. "Pansin ko lang, babe. Kapag may Fatal Familial Insomnia ang isang tao, ay nagkakaroon siya ng dementia? Lalo na kapag nasa terminal stage na talaga," sinipat nito ang buong kabuuan niya. "Bakit ikaw, hindi? Hindi ba dapat ay hindi ka na nakakapagsalita at nakakagalaw? Pero heto ka naman, mas malakas pa sa kalabaw—ow! Ang sakit!" Angal nito ng suntukin niya ito sa braso. "Aba! Dapat magpasalamat ka kasi malakas ang katawan ko kahit sa araw ng kamatayan ko," inirapan niya ito. "Makaligo na nga lang." Tumayo na siya at lumakad papasok sa banyo.
Mabilis lang ang naging pagligo ni Elise dahil sa lamig ng aircon. Nanunuot iyon sa balat niya kahit pa nga maligamgam na tubig ang lumalabas sa shower. Tumingin siya sa salamin at sinipat ang sarili. Mabuti at unti-unti nang bumabalik sa dati ang katawan niya. Hindi na siya patpatin tulad noong mga nakalipas na araw. Hindi na rin gaanong nanlalalim ang mga mata niya. Naging maayos na rin kasi ang pagtulog niya kahit papaano. Hindi na rin kulay-suka ang mukha niya. At gaya ng sinabi ni Jake kanina, ay mas malakas pa siya sa kalabaw ngayon kumpara noong nagdaang mga araw. Natigilan si Elise. Kung mamatay na siya ngayong araw, bakit malakas pa siya? Bakit hindi niya ramdam ang kamatayang naghihintay sa kaniya? Dali-daling inayos niya ang sarili at basta na lang nanghablot ng maitatapi niya sa katawan. Nagmamadali siyang lumabas ng banyo. Nakita niyang nagbabasa si Jake ng magazine habang nakaupo sa gilid ng kama. "Babe, I got something to tell you," sigaw niya habang tumatakbo palapit sa nobyo. Ngunit bago pa man siya makalapit rito ay nalaglag ang tuwalyang nakatapi sa katawan niya. Nalaglag din sa sahig ang magazine na binabasa nito habang nakatingin sa kahubdan niya. Hindi na niya nagawang pulutin pa ang tuwalya. Napayuko siya sa kahihiyan. Teka, kahihiyan? Hindi ba't nakita na nito ang kahubdan niyan noong nagdaang araw?
Lumapit sa kaniya si Jake at mabining hinaplos ang pisngi niya. Kahit nakayuko siya, pakiramdam niya ay titig na titig pa rin ito sa kaniya. "Ano ba 'yong sasabihin mo at nagmamadali ka? Ayan tuloy, natanggal tuloy ang towel sa katawan mo." Naglandas ang kamay nito sa leeg niya, sa collarbones at pagkatapos ay sa balikat. Pinangko siya nito at dinala sa kama. Ayon na naman ang bolta-boltaheng kuryente na biglang tumama sa buong sistema niya. Masuyong hinalikan siya nito sa labi. The kiss was gentle at first and became torrid as the kiss went deeper. Sandaling iniwan ni Jake ang mga labi niya. He landed small kisses on her forehead, the tip of her nose. The he licked her ears, gentle biting her earlobe. Halos mapugto ang hininga ni Elise nang madama ang isang palad nito sa malusog na dibdib niya. At halos mapasigaw siya ng madama naman ang isang palad nito sa kaselanan niya.
"Jake... Ohh." She let out a moan when she felt him gently massaging her c******s. Umarko ang katawan niya dahil sa ginawa nito. Parang bang mawawala siya sa sarili kapag ipinagpatuloy pa nito ang ginagawa. Nang magsawa na ito sa pagmasahe sa c**t niya ay lumipat naman ito sa malulusog na dibdib niya. He cupped her breast together with his two hands and licked each n*****s. Sucking and babying them. Pagkatapos ay iniwan na nito ang dibdib niya at naglakbay na naman sa tadyang niya ang mga labi nito patungo sa tiyan at sa puson niya. At nang makarating na ito labi nito sa nais patunguhan ay napaikyad siya na para bang kinukuyente ang buong sistema niya. He parted her legs. Hindi niya maipaliwanag ang sensasyong bumabalot sa buong sistema niya. He's doing c*********s and she liked it. Napapakagat-labi na lamang siya sa tuwing inilalabas-masok nito ang dila sa loob ng pagkababae niya. Liyong-liyo na siya sa nadarama.
Saglit itong tumigil sa ginagawa. Inabot niya ang kamat nito at pinatayo siya. Napangiti siya. Mukhang alam na niya ang ipagagawa nito. Kahit wala pa siyang karanasan, alam niya na ang mga bagay na iyon. Hindi siya ipinanganak kahapon. Siya na mismo ang nag-boluntaryong ibaba ang zipper at hubarin ang suot na pantalon nito. Nakita niyang namangha ito sa ginawa niya. "Mukhang alam mo na talaga ang gagawin, ah." Hindi niya ito sinagot. Hinawakan niya ang nagwawala at naghuhumindig na pagkalalaki nito at lumuhod sa harapan niya. Holding the base of his shaft, she stuck her tongue out and let the tip brushed the underside of it. She mumbled, letting a wider part of her tongue lick the huge d**k she was holding. Naramdaman niya ang paghawak ni Jake sa batok niya. Napamura ito sa sobrang sarap marahil nang ginagawa niya. Nagtaka siya nang pinatigil siya nito. Inihiga siyang muli nito sa kama at muling dinama ang bulaklak niya. "You're wet as hell, babe." Naramdaman ni Elise ang pamamaga at pamamasa niya. Her insides were ready for him. Dumagan si Jake sa ibabaw niya at hinalikan siya. Di na nito pinatagal ang paghihirap niya. He thrust his c**k inside of her. "Aghh.." She grunted in pain. Pakiramdam niya ay nawasak ang buong pagkababae niya. Agad naman siyang hinalikan ng binata para maibsan ang sakit. "Shhhh, okay lang 'yan. Mawawala rin yan mayamaya. Just relax, breath and let it go." Tumango siya bilang sagot. Muling umindayog ang katawan nila sa saliw ng musikang sila lang ang nakakarinig. Unti-unti nang nawawala ang sakit. Habang papalapit sila sa rurok ay lalo naman nitong binibilisan ang pag-ulos. He's f*****g her rough. Gustong mamangha ni Elise sa intensidad ng ginagawa ni Jake pero ayaw niyang antalahin ito. Kung mawawala siya, then let her be lost with him.
"L-Lalabasan na yata ako, babe," anas niya alam kung ano ang pakiramdam niyon. But she thinks she's coming. "I'm coming too, baby. Ohh." Lalong mas bumilis pa ang pag-indayog nito hanggang sa marating na nga nila ang climax. She orgasmed just after he flooded her hole with his essence. Humihingal na sumampa ang nobyo sa ibabaw niya. "Nagustuhan mo ba? Anong pakiramdam, ha?" Nanunudyong tanong nito sa kaniya. Hinila niya ang buhok nito. "Aw! Masakit." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hinagkan ang noo. "It was superb." Hinaplos niya ang buhok nito. Katatapos lang ng maligayang sandali nila pero heto siya at iniisip kung anong oras siya mamatay. "Hey, kung anu-ano na naman ang inisip mo. Tumigil ka nga riyan. Kasama mo ako at hinding-hindi ka namin iiwan hanggang sa huling hininga mo. Dito lang ako sa tabi mo." Humiga ito at siya naman ang pumaibabaw rito. Hinaplos nito ang buhok niya. "Isa pa?" Bigla ay tanong nito. Pabiro niyang hinampas sa braso si Jake. "Ano ka? Katatapos nga lang e." Hinagkan siya nito sa labi. "Please, I can't get enough of you e. I want more and more of you, Elise." She pouted her lips. Tila nag-isip pa siya kung papayag ba sa gusto nito o hindi. "Please?" He pleaded. Tumango na lang siya upang hindi na ito mangulit pa. At wala na nga siyang nagawa nang muli nitong inangkin ang mga labi niya. And they made love 'till their heart's content. Sinusulit bawat minutong natitira sa para sa kanila...
***
DAHAN-DAHANG iminulat ni Elise ang mga mata niya. Isa, dalawa. Nakita niya si Jake sa tabi niya. Mahimbing itong natutulog. Maya-maya ay nagmulat na rin ito ng mga mata. Pumikit siya upang matulog ulit. "Babe, gising. Umaga na." Niyugyog nito ang balikat niya. Naramdaman niya iyon. Pati ang liwanag na nagmumula sa kung saan. Ramdam na ramdam niya rin ang pananakit ng katawan niya lalo na sa pagitan ng dalawang hita niya. Binuksan niya ang mga mata at gulat na gulat sa mga nakikita niya. Dinama niya ang sarili niya, tsine-check kung buhay pa ba siya o nasa langit na. Kinurot niya ang pisngi niya upang alamin kung nanaginip ba siya. Nang hindi makuntento ay nilapitan niya ang litong-lito nang si Jake. "Ano ba?!" Eksaheradong bulalas nito nang hilahin niya ang laylayan ng suot nitong T-shirt. "Tell me I'm not dreaming, babe." Nabigla siya nang sakupin nito ang mga labi niya. "Hindi ka nananaginip. Totoo ang lahat ng ito. Kasama kita at magkasama tayong dalawa. Teka,hindi mo ba naalala ang ating labing-labing moments kahapon at kagabi?" Hindi na niya sinagot ang tanong nito dahil dumako ang tingin niya sa digital calendar sa bedside table. February fifteen, Friday. Natutop niya ang bibig. Hindi nga siya nananaginip. Hindi rin siya patay. Dahil buhay na buhay siya. Hinawi niya rin ang comforter upang tingnan ang dugo na tanda ng pagkawala ng virginity niya. Napangiti siya nang makita ang pulang mantsa sa bedsheet. Napatalon siya sa tuwa.
"Oh my God! I'm alive, and breathing and kicking!" Niyakap niya si Jake. Magkayakap silang nagtatalon sa galak. Nasa ganoon silang posisyon nang biglang umingit ang pinto. Iniluwa niyon si Maika kasama ang doktor na sumuri sa kaniya. "Doctor Austin Mariano!" Kumalas siya mula sa pagkakayakap ni Jake at sinalubong ang doktor. Pinaupo niya ito sa couch. "Do you want coffee, doc? How about tea?" Umiling ito. "No, hija. Saglit lang naman ako dito. Hindi ako magtatagal. Pinapunta ako rito ng kaibigan mo para alamin ang kalagayan mo. At para na rin sabihin ang totoo."
Napaupo siya sa tapat na mini couch. "Ano ba talagang katotohanan sa sakit ko? Akala ko ba mamatay na ako? But here I am, buhay pa po ako." Napakamot sa sentido ang doktor. "My sincerest apology, miss Elise. Noong araw na iyon ay dalawa kayong pasyente ko na may magkaparehong pangalan, Elise Delos Reyes. Nang ibigay sa akin ang resulta ng blood test ay pumunta kaagad ako sa ward niyo at ipinahayag ang karamdaman mo. Pagkatapos ay umalis na nga ako at naiwan kayong dalawa. Nang malaman ko na hindi pala ikaw ang maysakit ay dali-dali akong bumalik sa ward ngunit wala na kayo. Na-discharge na raw kayo at umuwi na. Hindi na rin ako nagkaroon ng oras para tawagan ka dahil abala na rin ako sa mga pasyente ko. Mabuti na lang at pinuntahan ako ng kaibigan mo. Kaya heto, nagpasama ako sa kaniya papunta rito. Again, I'm really sorry about sa pagkakamali ko."
Naluluhang kinamayan ni Elise ang doktor. "Walang anuman iyon dok. Ang mahalaga ay buhay ako at walang sakit," natigilan siya. "Dok, e ano 'yong mga na-experience kong hallucinations and delirium? Ano pong ibig sabihin noon?"
"Stress related lang yang mga nae-experience mong hallucinations and deleriums. Na-stress ka ng sobra pagkatapos mong malaman na mamatay ka na, na you only have 7 days na lang here on earth. So, maiipapayo ko lang ay magpahinga ka and mag-meditate."
Tumango-tango sila. "Oh, paano. Hindi na ako magtatagal. Naparito lang talaga ako para sabihin ang dapat kong sabihin. Paalam na sa inyo." Tumayo na ang doktor. Isa-isa silang nakipag-shakehands rito saka ito hinatid ni Maika sa labas. Ngayon ay maliwanag na sa kaniya ang lahat. Nagkamali lang ang doktor at wala talaga siyang sakit. Binalingan niya ng tingin sj Jake. Abot hangang tainga ang ngiti nito. Niyakap niya ito. "I love you, Jake. And I will love you forever." Tanging halik ang naging tugon nito sa sinabi niya. "Happy Valentine's Day and happy birthday, mahal ko," mabining bati nito sa kaniya saka muli siya nitong siniil ng halik sa labi. Batid niyang hindi na sila maghihiwalay nito kahit kailan, kahit kapag tumanda na sila. Kahit sa kamatayan pa...
***WAKAS***