(Penelope POV) Hindi ako matigil sa pag-iyak. Sobrang sakit para akong nadurog. Umasa kasi ako kaya ganito na lamang ang nararamdaman kong sakit sa puso ko. Pagkapasok ko dito sa silid namin hindi ko na mapigilang lumuha. Hindi ko na inalinta kung buhat buhat ko pa si Ethan at nasa harapan ko si Heidi. Awang awa ito sa akin. " Tahan na Pene. Wala naman tayo magagawa kung mahal ni Zandro ang babaeng iyon. Siguro hindi talaga kayo para sa isa't isa. Madami pa naman diyan." hindi maampat ang luha ko sa mga pagcomfort ni Heidi sa akin. Minahal ko kasi siya magpasa hanggang ngayon. Akala ko mahal niya din ako dahil naramdaman ko iyon sa pinapakita niyang kabutihan sa akin. Nagkamali ako! Ang laki kong tanga. Pinahid ko ang mga luha ko. Kailangan ko pagtuunan ang anak ko kaysa ang sarili ko

