Cassandra's POV Kanina ko pa pinipilit matulog pero di ako makatulog. Mag 10 na rin ng gabi ng pagpasyahan kong lumabas muna at uminom ng tubig. Saktong pabalik na ako ng bumukas ang pinto at iniluwa nun si Jake. "Magandang gabi Jake." agaw pansin ko dito dahil dire-diretso lang itong pumasok. "Ow, Good evening." sabay ngiti nito sa akin. Agad naman naagaw ng atensyon ko ang kamay niya. "Ahh, anong nangyare sa kamay mo?" takang tanong ko. "Ahm, nothing, I'm fine." sabay lapit nito sa akin at halik sa noo ko. "Anyway, Akyat na ako sa taas. Good night" "O-okay." kurot ko sa pisngi nito tsaka ngumiti. Umalis na ito sa harap ko at umakyat na nga sa taas. Nakangiti naman akong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig kaso may napansin ako. Pagcheck ko sa labas papuntang likod. Ma

