Cassandra's POV Nakabalik din si Glenda ng maayos matapos nitong ihatid ang mga bata kaya nakapagmeeting din kami. Nagsabay narin kami ni Glenda na umuwi, pero nakitulog muna ako sa kanya at nagvideocall muna kami ng mga bata. Ayoko rin naman malaman ni Jake kung saan ako nakatira kahit alam kong maraming access ito, baka makita niya pa ang mga bata. Pero sabi nga nila, walang lihim ang hindi nabubunyag. Kaya hinahanda ko narin ang aking sarili para sa mangyayari. Hanggang nandito si Jake sa Paris, hindi ako matatahimik. Kung hanggang kaya na nasa office muna ako. Sa office nalang ako matutulog at kung ano man ang magyayari sa mga susunod, wala pa akong alam. "Shhh, Kuya Yuri, Mom will wake up if we disturb her." Yuri's voice. Yung mga bata ba iyon o nananaginip lang ako. "K

