Halos mag-isang buwan na si Mam Teresa sa mansion. Este ni Mama pala. Tila hindi padin nababalik ang ala-ala nito sa kanyang pamilya. Minsan ay nadadalaw siya ng magkakapatid. Mas madalas nga lang si Jared. Kalimitan din nito akong kinakamusta. Yung set-up ko naman sa pagtulog ay sa kwarto na ako ni Manang natulog ng tuluyan dahil mas gusto ni Jake na mapag-isa. Minsan ko nang nahuli si Jared at si Mama na nag-uusap sa Garden. Parehas na seryoso ngunit may kalimitan ng pag-aaway kaso umaalis din ako kaagad. Baka isipin pa nila na tsismosa ako. Balak ko na sanang matulog ng biglang.. "CASSANDRA! WHERE ARE U? “ sigaw ni Jake. Agad akong bumangon kahit malaki na ang tyan ko. Lumabas sa kwarto patungong kusina. "Bakit Jake?" salubong ko sa kanya. "What is this again?!" sabay sampal

