Chapter 26 Wala kaming nagawang kung anong activities ngayon dahil sa masamang panahon. Nagdecide nalang kami na magpahinga sa kani-kaniyang silid. Sinulit namin iyon ni Tusher para makapagpahinga. Halos puro tulog ang ginawa namin sa araw na iyon. Gigising lang kami kapag nandyan na ang pagkain. Kinabukasan, ay maaga akong gumising. Last day na kasi namin ngayon dito sa Bora. Naayos na namin ni Tusher lahat ng mga gamit namin kagabi pa, para ang iintindihin nalang namin ngayon ay iyong pinagbihisan namin. Kasalukuyan akong nasa harapan ng salamin, abala sa paglalagay ng cream sa mukha. Ang buhok ko ay nakabalot pa ng tuwalya pero nakabihis naman na ako. Natigil ako sa ginagawa nang makarinig ng katok mula sa pintuan. Baka ang mga girls na naman iyon! Ipinahid ko na sa mukha ko 'yong

