Chapter 19 Matapos naming magsayaw ay biglang tinawag si Tusher ng iba nilang kasosyo sa negosyo. Tuloy ay naiwan ako at si Creed dito sa lamesa. Sa sobrang bored ay panay inom ng wine ang inatupag ko. Maya maya lang naramdaman kong naiihi na 'ko, gosh! I need to pee! "Ah Creed, magsi-cr lang ako," paalam ko pa at akmang tatayo na nang bigla siyang magsalita. "Do you want me to go with you Riri?" tanong pa nito sa akin. Umiling ako. "Ah hindi na Creed, kaya ko na naman," sabi ko pa habang nakangiti, kaya ko naman kasi talaga, hindi na kailangan ng kasama. "Sure ka? Kahit sa labas lang ako, hindi kasi kita pwedeng hayaan, maraming mata sa paligid." Sabagay tama naman siya. Napansin ko rin naman iyon magmula pa kanina. Sige na nga, papayag na ako. Minutes later... "Okay ka na?" ta

