Chapter 30 Kinabukasan, nagising ako na nasa tabi pa rin ang aking asawa. Napakahimbing ng kanyang tulog at talagang nakasiksik pa sa akin. Late na kasi kami natulog kagabi dahil nakadalawang movie pa kami. Paano kasi, sina Creed, mukhang nasiyahan sa panonood kaya hindi na inisip ang oras. Tho, okay lang din naman tutal minsan lang naman namin ito magawa ng magkakasama at buong pamilya. Idagdag pa na may bagong miyembro, iyong asawa ni Creed. Grabe ang ganda niya. Wala akong masabi. Walang duda kung bakit ganoon kabilis siyang minahal ng aking kaibigan. Well, hindi rin naman tungkol sa ganda lang iyon, mabait siya. May manners, napakaayos. Napakalapit niya sa salitang perpekto. "Hey, good morning..." Mabilis akong nag-angat ng tingin sa bumati sa akin. Paano kasi'y abala ako sa pa

