Chapter 34 "Who's your visitor earlier?" tanong ni Tusher pagkalabas niya ng banyo. Lumapit siya sa akin at tinabihan ako sa aming kama. "Mom told me," dagdag niya saka ako tinignan. "Oh yeah, a friend of mine," sagot ko saka ibinalik ang paningin doon sa nilalaro ko sa aking cellphone. "Don't be jealous babe, he's just a friend," sabi ko bago pa kami mapunta roon. Ayaw ko kasi na pagtalunan pa namin iyon. Wala namang masamang intensyon si Delune sa pagbisita niya sa akin kanina eh. He even brought some baby stuffs. Effort iyon, saka nakakatuwa rin dahil naalala niya pa ako. Hindi siya nakalimot kahit na ilang taon kaming hindi nagkita. Kahit na hindi kami nag usap ng matagal, iyong bond, nandoon pa rin. Wala manlang nagbago. I heard him sighed. "Of course," sabi niya kaya naman niling

