CHANDRIA Naka-ilang minuto rin kaming dalawa ni Mira sa pag-uusap tungkol sa mga problema namin bago ako nakapagluto. Tinulungan na lang din ako nila Manang para magluto ng mga bacon wrap pati na rin ng healthy boodles ngayong umaga. Sinamahan ko na rin ng chinese dumplings. Kapag kumakain kami, at late naman ang klase ng mga bata ay hindi na lang namin ito ginigising at kailangan din nila matulog nang mahaba. Anong oras na rin kasi silang nakatulog kagabi kaya hindi naman ayos na gisingin namin sila ng ganito kaaga ngayon. “What if pumunta rito sila Tita Amelia or Tita Minerva?” Napatingin naman ako kay Mira habang kasalukuyan kaming kumakain na tatlo ngayon. Kanina pa nila pinag-uusapan ang tungkol sa ilang mga possibilities at nakikinig lang naman ako. “What do you mean?” ani Ace.

