CHANDRIA The moment I finished taking a bath, nag-ayos kaagad ako dahil hindi ko naman akalain na makaka-idlip ako pagkatapos ng trabaho ko kanina. Pupunta pa ako ngayon sa trabaho ko with Mr. Villafuerte kaya hindi dapat ako ma-late. “I’ll go ahead, baby,” sambit ko nang makababa na ako. “Nasa’n ang daddy mo?” Gab pointed outside the house. “Daddy’s outside, Mommy. Ingat ka po!” “Bye, baby.” Dali-dali na akong nag-kiss sa kaniyang forehead at agad na ring lumabas ng bahay. Nadatnan ko si Fabiano na naka-upo sa maliit naming gazebo sa bakuran habang puno ng lights ang mga paligid kaya lumapit na ako ro’n. “Babe!” He turned around and smiled at me. “Babe, going to work na ba?” “Yes, babe. Can you drive for me?” “Uh…” He halted at humarap na rin sa akin dahil mukhang busy siya sa k

