“Chandria, Iha, are you sure about your decision na sasama sa anak ko?” Bahagya muna akong napatigil sa pagkain ko at napatingin kay Tita. “O-oo naman po, Tita…sigurado na po ako.” “Mom, hayaan n’yo na si Chan,” usal pa ni Sir Ace. “I’m just making sure, anak, since going to America for good is different at dapat handa si Chan sa lahat. I don’t want her to be like me noong una naming pagtira ng daddy mo in New York.” Napayuko na lang ako. Alam kong may nasasaktan ako pero hinahayaan ko pa rin. Ayokong maging gan’to, ayokong makasakit pero kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. “Oh my gosh!” Napatingin naman kaming lahat kay Shantal nang bigla siyang mapatili. Napansin niya ang biglaang pagtitig naming tatlo kaya ngumiti na lang din siya. “What is it, Shan?” pagtatakang tanong ni S

