Nasa byahe na kaming tatlo ngayon nila Mira at Sir Spencer para mag-lunch. Kanina pa ako hawi nang hawi nitong buhok ko dahil hindi ako sanay na nakabuhaghag. “I just can’t stop looking at Chandria. She’s really stunning!” Napatingin naman ako kay Mira na sobrang weirdo ng mga tingin sa akin. “Tigilan mo nga ako, Mir. Hindi nga ako sanay sa buhok ko, e. Pwede ba akong magpuyod?” “No!” Agad niyang pinigilan ang kamay ko. “You can’t and yoy should never do that. Masisira ang buhok mo kapag ginawa mo ‘yan. From now on, you should start takigg ng care of your hair, face, skin, and everything!” “That tone really looks good on you, Chan,” dagdag pa ni Sir Spencer habang nasa front seat. “S-salamat po, Sir.” Hindi ako sanay sa mga papuri nila sa akin ngayon kaya hindi ko alam kung ano ang

