CHANDRIA Habang pinagmamasdan ko si Trina na may kababalaghang ginagawa sa opisina ni Ace ay hindi ko mapigilang mang-init habang nakayukom ang kamao ko. Kahit na nandito kami sa labas ni Mira at mayroong salamin na nasa pagitan namin ay kitang-kita pa rin ang ginagawa nito. “Tara na, sugudin na natin ang gagang ‘yan bago pa man niya maubos lahat ng asset ng kompanya.” “Huwag muna, Mir,” pigil ko pa kay Mira habang patuloy pa rin kaming nakadungaw rito. “Baka kasi magkaroon siya ng pagkakataoon na makalabas kapag dito tayo dumaan sa bintana.” “Ay, oo nga.” Dahan-dahan na siyang naglakad papasok sa empty room habang ako ang naiwan dito. “Ano’ng gagawin mo?” “This is the plan. Okay lang ba sa’yo na ako ang magbantay sa pinto and then ikaw ang magbantay rito sa bintana? I know that you

