CHANDRIA I woke up early in the morning dahil sa sobrang lakas ng ulan. Hindi ko pala naisara ang bintana dahilan para marinig ko ang malakas na hangin sa labas. Bahagya na akong napasulyap kay Ace na sobrang himbing pa ng tulog. "Nako, hindi manlang nakaramdam ng lakas ng ulan..." bulong ko sabay ngiti. Dinampot ko na muna ang cellphone ko at tiningnan ang oras. It was past five in the morning. For sure ay gisingan na rin nila Manang sa baba kaya tuluyan na akong bumangon. Sa pagkakatanda ko kasi ay aalis ngayon si Ace para kitain ang kaniyang Lolo ngayong araw kaya for sure ay hindi siya makakasama sa trabaho. Pagkatapos kong magsipilyo at maghilamos, lumabas na muna ako para tingnan ang tatlong bata. Mag-isa lang si Gab sa kaniyang kwarto habang magkasama naman sina Seb at Benj at

