“Salamat po pala Sir sa pagligtas n’yo sa akin sa mga manyak na ‘yon,” usal ko habang inaayos ang skirt ko. Wala pa rin namang expresyon ang mukha ni Sir Ace habang nakatitig sa akin. “You shouldn’t have gone alone in a place like this, next time. And about what I’ve said earlier…sinabi ko lang ‘yon para layuan ka nila.” “O-opo, alam ko naman po ‘yon, Sir…” Asa naman akong aangkinin ako ni Sir Ace lalo na’t kanina lang sila nag-break ng kaniyang fiancé. Nang makabalik kaming dalawa ni Sir Ace sa table namin ay walang nag-iimikan sa aming dalawa. Pinauna kasi ako rito ni Sir Ace at sumunod din siya kaagad sa akin. “Dali! Drink more, guys. This night is for us!” bulyaw ni Mira sa amin habang tinataas ang shot glass kaya kaagad ko naman siyang pinigilan. “Mir, dahan lang sa pag-inom…” N

