“Sir…” Dali-dali namang tumayo si Sir Ace na parang walang nangyari kaya inayos ko na rin ang sarili ko. “What are you doing there, babe?” gulat na tanong ni Adeline. “I bought some breakfast for us.” “May hinanap lang ako, babe. Thanks for the food, tara kumain muna tayo,” sambit din naman ni Sir Ace at tumungo na silang dalawa sa couch. Bago pa tuluyang maka-upo si Adeline ay napasulyap muna siya sa kinaroroonan ko at kaagad akong dinilatan ng mga mata. Siguro kung wala si Sir Ace ay baka nasabunutan na niya ako, pero alam ko namang takot siyang maging eskandalosa kapag nasa harapan niya ang kaniyang fiancé. Tinapos ko na lang ‘tong pinapagawa ni Sir Harold para maibigay ko na rin kay Sir Spencer. Nang matapos ko na ang panghuling file, tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto.

