Napamulat ako ng mga mata ko dahil pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng ulo ko. Bahagya akong hapahawak sa noo ko at unti-unting bumangon. Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula noong nalaman kong may nangyari sa aming dalawa ni Ace. Ilang linggo na rin ang nakakaraan nang umalis si Sir Spencer. "Yawa, ang sakit ng ulo ko..." Tuluyan na akong bumangon at lumabas ng kwarto ko. Nakita ko sila Jane at Shane na nasa labas habang naghahanda ng pagkain namin ngayong umaga. "Ate, gising ka na pala," ani Shane. "Grabe, Ate, ang gara talaga nitong lutuan sa bagong condo na binili sa atin ni Kuya Ace," anito sabay buntong-hininga. "Hay nako, hindi talaga kami nagkamali ng pinili ni Shane. Hindi ba, sis?" "Tama, tama, Ate!" Napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa at tumungo na sa kusina p

