Napatitig naman ako kay Sir Ace pagkatapos ng mga sinabi niya. “Hindi naman po lahat ng tao, Sir, ay pare-pareho. Malay mo, kung nasaktan ka kay Adeline ay maging daan na lang ‘yon para makilala mo ang taong…totoong nagmamahal para sa’yo.” “You think so?” “O-opo…” Ang gulo ni Sir Ace, hindi ko siya maintindihan. Unti-unti na siyang humarap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. “Chandria, I—” “Anak!!” Nagulat naman ako nang biglang sumigaw si tatay galing sa likuran namin kaya lumingon na ako. Nakita ko siya nakatayo habang tinuturo ako. “Bakit po, tay?” “May alimango sa likod mo, sa damit mo!” asik pa niya. Natawa na lang ako at napa-iling dahil simula noong bata kami ay takot talaga ‘tong si Tatay sa mga alimango. Tiningnan ko na ang bandang likuran ko at kinuha ang cut

