CHANDRIA Nakakatuwang pagmasdan ang tanawin sa harap ng bahay namin. Sa ilang na naming nandito ay hindi pa rin ako nagsasawa sa mga kulay pulang puno na nasa paligid. "Ma'am Chan..." Bahagya naman akong napalingon nang marinig ko ang pagtawag ni Yaya Merna sa akin galing sa likuran ko. "Yaya, ikaw pala." "Aalis na ho pala kayo bukas, Ma'am, ano...sa ilang taon ko ring paninilbihan dito..." Napansin kong nalungkot si Yaya Merna at napahinga nang malalim kaya napangiti na ako sa kaniya. "We'll only stay there for six months, Yaya. Babalik din kami kapag naayos na ang problema ng branch natin sa Pilipinas." "Nakakatuwa ka nga, Ma'am, e. Simula kasi noong naaksidente ka ay hindi ka na nakabalik sa Pilipinas pero ang galing mo pa ring magsalita ng tagalog." Nagtatrabaho kasi si Yaya Mer

