Nang marinig ko ang sinabi ni Sir Ace ay kaagad akong napa-atras. Natatakot na tuloy ako ngayon na baka kung ano pa ang isipin ni Sir Ace dahil sa nakita niya. "Hey, look at me." Hindi pa rin ako dumidilat dahil nahihiya ako. Nakayuko lang din ako sa kaniya ngayon dahil hindi ko ata kayang magpakita. "S-sorry po, Sir..." Narinig ko naman siyang napatawa. "Why are you saying sorry?" "D-dahil po diyan..."Nakapikit kong itinuro ang nasa harapan ko dahil nakaharap sa akin si Sir Ace. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang ulo ko at marahan itong ginulo. Unti-unti niya ring inalis ang mga kamay ko sa pisngi ko kaya doon na ako napamulat. "You don't have to be shy. Huwag kang mahiya, I know you." "Sorry po talaga, hindi ko na uulitin." Napabaling siya ulit sa cellphone ko at

