Panibagong araw na naman ngayon. Mabuti na lang dahil buong gabi akong tulog kahapon kaya naibalik ko naman ang sigla ko. Bumangon na ako sa higaan at napatingin sa cellphone ko. Kaagad ko naman itong nabitawan nang makita ang p*rn site na naka-open doon. "Ito talagang si Mira, kung ano-ano ang itinuturo sa akin. Para siyang mga kapatid ko..." Dinampot ko na lang ang cellphone ko at isinara na ang site na 'yon. Naghilamos na lang muna ako at nag-toothbrush at lumabas na rin. "Aah...work, work na naman tayo ngayon, Chandria!" sambit ko sabay inat ng katawan. Tumungo na ako sa kusina para gawan ng kape si Mira dahil kaugalian ko na itong gawin. Pagkatapos kong mag-brew ng kape ay nagluto na rin ako ng umagahan namin. Tamang-tama namang pinatay ko ang rice cooker nang magising si Mira.

