“Babe…” Bigla namang lumabas si Sir sa dressing room habang hindi pinapansin si Adeline kaya kaagad na rin siyang tumakbo para sundan ang kaniyang fiancé. Napa-iling naman ako dahil hindi naman talaga ako nag-expect na maririnig ‘yon ni Sir Ace pero wala na akong magawa. “Chan, are you okay?” Nilapitan na ako ni Sir Spencer sabay bigay sa akin ng kaniyang blazer. “A-ayos lang po ako, Sir…” Napayuko na lang ako at dinampot na ang damit ko sa mesa. “Magbibihis lang po ako, Sir.” Pumasok na ako sa isa sa room sa dressing room para magpalit ng damit. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na rin at ng dressing room at nagulat akong nandoon pa rin si Sir Spencer sa kinatatayuan niya. Hinintay niya ako. “Sir Spence…” May ipinakita siya sa aking box ng first aid kit sabay ngiti. “I have seen

