Nang makabalik ako sa condo ni Mira ay pasado alas-syete na ng umaga, pero ayos lang naman daw sabi ni Sir Ace dahil siya naman ang boss ko at siya rin ang nagpuyat sa akin kagabi. Nagpapasalamat din ako na mabuting lalaki si Sir Ace at kahit dalawa lang kami ro'n kagabi ay nandoon pa rin ang respeto niya sa akin bilang babae. Pinakita sa akin ni Sir Ace ang hindi ko pa nakikita sa sarili ko at nagugustuhan ko ito. Nawawala ang takot ko dahil nandyan siya para magsabi sa akin na kaya ko. Pagkatapos, noong pangit pa ang buhok ko pati ang mukha ko, wala ako narinig na kung anong panglalait galing kay Sir Ace kaya rin siguro ako hulog na hulog sa kaniya. Papunta na ako ngayon sa hospital kung nasaan si Mira. Ang sabi ko kasi kay Sir dadaan muna ako sa kaniya bago ako pumasok sa trabaho. Sa

