Hindi na ako nakabihis o nag-ayos manlang dahil sobrang nanghihina na ako ngayon sa byahe papunta sa hospital para makipagkita kay Mira. Kanina pa ako nagdadasal na sana ay nagbibiro lang o kaya naman ay nananaginip lang ako. “Ma’am, ayos lang ho ba kayo?” Bahagya naman akong napatingin kay Manong driver habang pinupunasan ang mga luha ko. “A-ayos lang po…pasensya na.” “Kung ano man iyang pinagdadaanan mo ngayon ay ipagdasal lang ninyo, paniguradong lahat ng mga nangyayari ay may rason.” Napangiti na lang ako kay Manong. “Salamat po.” Nang makababa ako sa tapat ng hospital, ang bawat hakbang ko ay bumibigat. Kung totoo man ang sinabi ni Nikko ay hindi ko yata kakayanin. Si Mira ang naging unang taong tumulong sa akin dito at kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi ko na alam kung saan

