Pagkatapos kong ibigay kay Sir Spencer ang bento box ay umalis na rin kaagad ako dahil sa pinapautos ni Sir Ace. Natuwa ako kasi nagustuhan ni Sir Spencer ang ibinigay ko sa kaniya. Hindi ko naman talaga pinapaasa si Sir Spencer kasi sa labis niyang kabaitan na pinapakita sa akin ay hindi malabong magustuhan ko rin siya. "Pasa'n ka, Chan?" Napatigil naman ako nang makasalubong ko si Nicole, sekretarya ni Sir Spencer. "Hoy te, kanina pa boss mo sa opisina niya, late ka na raw." "Kaya nga, Chan. Sige diyan ka na muna at kahit alam kong ang bait ni Sir Spencer ay nahihiya pa rin ako." Bahagya naman akong natawa sa kaniya at tinapik na siya sa balikat. "Sige, sige na." Kaagad nang naglakad si Nicole papunta sa office ni Sir Spencer kaya bumalik na rin ako sa office ni Sir para makaali

