Para akong siraulo na naglalakad ngayon sa kompanya papunta sa office ni Sir Ace dahil hindi talaga ako sanay sa suot ko. Kapapasok ko lang kasi at ako na naman ang pinagtitinginan ng mga tao. "Sino 'yan?" "Tangek, hindi mo ba kilala 'yan? Iyan ang sekretarya ni Sir Ace na nag sponsor si Ma'am Mirabella kaya ang ganda na niya." "Ang swerte niya naman." "Kaya nga, Sis. Sana ganiyan din tayo ka ganda." Habang pinakikinggan ko ang mga bulong ng ibang staff ay unti-unti akong napapangiti. Mukhang ayos lang naman sa akin ang suot ko ngayon dahil imbis na pandidiri ang makikita ko ay nakangiti na sila sa akin. Unti-unti ko nang itinaas ang ulo ko at naglakad na nang maayos papasok sa elevator. Masaya ako dahil unti-unti ko nang nalalabanan ang pagiging takot ko sa ibang tao. Medyo tumataas

